Kabanata 9

342 17 0
                                    

Kabanata 9

I'm heading up to the venue where the writing workshop will be held. Sana lang ay makaabot ako sa workshop kasi good for 3 hours lang 'yun. So 2 hours na ang nakakalipas at kailangan makaabot ako 'dun. Kailangan ko rin kasi to help me with my writing skills at baka sakaling may matapos na akong nobea dahil ending na lamang ang mga problema ko.

                 "Kuya, wala na po bang ibibilis?" Pagtatanong koo kay manong driver. Iilang minuto pa lang din naman na sumakay ako at bumyahe, pero desperada na akong makarating doon sa writing workshop, sure akong marami ako matutunan kahit papaano man lang kasi nga nahuli na ako.

                 "Sorry, pero mukhang matatatagalan pa po, kung gusto niyo po dumaan tayo sa shortcut." I glared at him. Tumango ako at pinamadali siya sa pagdadrive.

                 Tinungo naman ng driver ang shortcut patungo sa lugar na pupuntahan namin. Kinakabahan ako kasi baka hindi ako makaabot at sayang ang chance na ito para sa akin.

                 Mabilis din naman agad ako nakarating sa venue kung saan ginaganap ang writing workshop ngayon. Nagbayad at bumaba na ako ng taxi. Mas mapapabilis talaga kung shortcut ang gagamitin medyo may aning lang 'yun driver at nagtanong pa kung saan dadaan. Pinapataas niya lang 'yung babayaran ko sa metro eh.

Dali dali akong tumungo papasok sa loob ng venue. Ewan ko ba pero kinakabahan ako mangyayari baka kasi wala na akong madatnan dun sayang lang effort ko diba?

                 "Miss, saan ka pupunta?" Hinarang ako ng guard bago makapasok sa venue. Hindi ko siya pinansin kundi tinatanaw ko ang loob kung nandun at meron pa ba. "Miss? Ano bang kailangan mo?" Pagtatanong niya ulit sa akin.

                 Binaling ko na ang tuon ko sa kanya. Bakit ba ako pinagpapawisan ng malamig at sobrang kaba. "Ah, sa writing workshop po." Sa pagkasabi kko ay agad ko siyang nilampasan at hinawakan naman agad ako ito sa braso ko para mabalik sa kinatatayuan ko kanina.

                 Nadagdagan na naman ang kaba ko sa dibdib, may nagawa ba akong mali at bawal ako pumasok?

                 "Bakit po?" Takot kong tugon sa kanya. Diretsyo ang tingin nito sa akin kaya natatakot ako ngayon. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at leeg gamit ang kamay at pinunas ito sa skirt ko. Nakakahiya kasi wala man lang akong panyo.

                 "Mag register ka muna bago ka makapasok." Sa sinabi nito ay nakahinga rin naman ako ng maluwag at hinatid ako sa register station. Para daw makapasok sa loob, nagbayad ako ng entrance fee. Kalahati na lang daw bayaran ko kasi patapos na rin naman daw ang workshop. Sana makahabol ako kahit papaano at may matutunan kahit kaunti lang.

                 Nang makapag register na ako ay tumungo naman ako sa loob ng room kung saan ginaganap ang writing workshop. Nahiwagaan ako sa nakita ko kasi halos puno ang loob at ang ibang nandito ay puro kilalang author's ng bansa. Naghanap ako ng mauupuan at doon umupo. Sa may bandang likod, sa dulo ang pwesto ko kasi alam ko na naman kung bakit kasi late ako. Bakit pa kasi ako pumasok sa office, hindi naman pala inutos ni Boss 'yun. Kaasar na lalaking 'yun!

                 Nilingon ko ang mga nandito. Tiningnan ko ang mga hawak nilang laptop, ipads and tablets. Nahiya naman ako bigla, naglingon lingon uli ako nagbabakasakali na baka may gumagamit din ng notebook dito pero mukhang may kaya ang lahat ng nandito at puro gadgets ang hawak nila. Nagbuntong hininga na lamang ako, sayang naman kung hindi ako mag tatake down notes.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon