Kabanata 12
Hindi ako makapagconcentrate habang nasa harapan ko ang isang lalaki na halos boxer at sando lamang ang nakikita ko. Nasusulyapan ko siyang nakatingin sa akin kaya agad naman akong umiiwas sa kanya. Focus! Celina, trabaho muna ang atupagin mo bago ang kalandian mo. Kailangan ko rin matapos 'to dahil marami rami na rin pala ang kailangan kong gawin. Bakit kasi sa akin lang niya pinagawa kasi ako ang nakita niya ganun ba 'yun?
"Ah, Sir, hindi niyo naman po kailangan magstrip sa harapan ko. Kumain naman po ako." Halos mahiya ako sa walang pakundangan pagsabi ko sa kanya non. Gusto kong magtago mula sa kanya, hindi ko naman kasi maatim na hindi rin siya tingna dahil bumabakat sa hapit niyang sando ang kanyang abs.
"Tss." Then he smirk. Gusto ko nang magtago mula sa mga papel sa nasa harapan ko. Sana hindi tama 'yung narinig niya mula sa akin.
"Pasensya na po. Hindi mo naman po kasi kailangan magboxer at sando lamang, busog na po ako." Halos nanlaki muli ang mga mata ko sa sinabi ko. Sobrang kahihiyan na 'to promise at harap harapan ko pa mismo ito nasabi..
"You don't have to look at me. Focus on your works. I'm not stripping." Napakagat labi ako sa sinabi niya. If only this scene can get back, ayos na sana ako eh pero hindi eh. Narinig niya mismo sa akin. Tumayo siya kaya nasundan ko naman ito nang tingin. "I'll be back later." He said.
Pagkalabas niya ng pinto ay agad akong nakahinga ng maluwag. As in! Hindi ko kinaya na sagtin siya sa mga ganung salita, si Sir Yuie 'yun at mas nakakkahiya pa siguro ung sa mismong office kami nag-usap parang ang walang galang ko naman. Nakakailang naman kasi talaga, kanin ay todo porma at ang kisig niya doon tingnan pero nang magpalit siya ay ano nanyari? Parang, ano kasi. Ah, basta!
Hayaan na lang, basta ngayon ay tatapusin ko ang mga gawain ko and that's my work today at dahil half day lang din naman ako. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at dinial ang number ni Jana.
"Celina! Napatawag ka?! Kay aga-aga?! Ikaw pa naging alarm clock ko. Bwisit ka!" Sabi nito sa kabilang linya. Natatawa naman ako sa kanya.
"Baliw! Ah kasi, half day lang ako ngayon. Bonding sana tayo mamaya mga bandang 3 sa coffee shop, alam mo na the usual place?" Tugon ko.
"'Yun lang naman pala nanggising ka pa! Sige see you later. Mwah!" Then she hung up the phone. Bumalik din naman agad ako sa gawain ko. Mano mano pa ang ginagawa ko and it takes ttime talaga som in a hurry to finish it early. Ayokong mag-stay sa malamig at sobrang laking bahay ni Sir Yuie.
I was remember the day na pauwi na tapos doon pa kami pinagsabay. Pero 'yun din ata ang pinaka ayaw ko na nangya, bakit sa dami dami ba naman ng makakasabay ko sa taxi, siya pa na pamangkin ng boss ko.
Habang ginagawa ko ang gawain ko ay ngayon pa lang ako sobrang nangatog sa lamig ng paligid. Ang lakas naman ng aircon dito at hindi ba sila nababahala na baka tumaas ng mas mataas pa ang bill nila ng kuryente.
Oh well.
Mayaman nga pala sila, so nothing to worry. Nakakaputi rin ang aircon, kung pwede lang dito ako tumambay. Swak na swak na sakin for sure, puputi ako ng sobra dito. Binalik ko na ang tuon ko sa paperworks ko pero biglang itong nalaglag at napadpad sa may tapat ng pinto. Kinailangan ko pang tumayo dahil doon ko sinusulat ang mga datos. Napabuntong hininga naman ako.
Umupo naman ako para makuha ang papel. Bago pa ako tumayo ay tinignan ko naman ang mga nasulat ko dito at wala pa halos sa kalahati ang nagagawa ko, half day so kailangan ko nang madaliin para wala na rin naman akong gawin sa Monday diba.

BINABASA MO ANG
A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig lang naman niya ay magbasa. Nang pinasok niya ang pagiging isang manunulat, marami siyang nobelang...