Kabanata 14
Pinosasan at isinama nila ako papunta sa prisinto. Doon daw ako magpaliwanag at maglabas ng ebindensya pero anong ipapakita ko kung wala naman talaga dapat ipakita. Isinakay nila ako police mobile at dinala na nga sa prisinto. Susunod din daw doon si Yuie 'yun ng pagkakarinig ko kanina, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin na ngayon ay nalaman na niya na hindi ko ginagamit ang bigay na laptop niya pero maniniwala kaya siya na bigay ni John 'yun?
"Manong pulis, promise wala naman talaga akong kasalanan dito." Pagpapaliwanag ko. Nakaupo ako sa upuan dito habang ay siya may tinatype sa type writer na nasa harapan niya. Hindi niya pinapakinggan ang bawat sinasabi ko. "Pinapunta niyo ako dito para magpaliwanag tapos hindi niyo ako papakinggan? Naglolokohan ba tayo?"
"Ineng, malaking kaso ang ginawa mo. Hindi namin alam kung pwede ka bang sentisyehan o hindi na. Hintayin na lang natin boss mo." He said. I rolled my eyes.
"As if, may kasalanan ba ako dito? Wala nga akong kinalaman. Nagtatrabaho ako ng marangal tapos pagbibintangan ako."
Nagkibit balikat naman siya sa akin. Nakakaasar na talaga! Hindi lang talaga ako makapagtimpi, wala naman kasi talaga akong kinalaman sa mga nangyari dito. Ang roberry sa kumpanya ay hindi ko 'yon kung hindi nga ako, may isang tao talaga na gumawa nito at ikinagulo. May bigla akong naalala bago ako mapunta dito sa prisinto, Si Lailah na nasa cleaning department ay sinabihan ako nito na dapat nag-ingat daw ako. Nung una akala ko kung ano 'yung sinasabi niya pero ngayon 'yun pala 'yung tinutukoy niya ngayon.
Dapat pala nag-ingat na ako simula pa lang.
"Chief! Ito na po 'yung mga laptop ni Ms. Montevaldez." Namintig ang tenga ko na marinig ko ang apelyido ko. Napatingin naman ako doon at halos maluwa ang mata ko na makita ko ang laptop na bigay sa akin ni John at ni Yuie.
"Bakit nasa inyo ang laptop ko?!" Hindi na ako makakatiis nito, bakit pati ba naman 'yun kukunin pa nila. "Wala nga kasi akong ninakaw na pera. Kung ganun bakit pa ako papasok sa trabaho ko diba?"
"Syempre para hindi ka mahalata." Police said. I rolled my eyes. Hindi sila makatarungan dito mukhang na-aagrabyado na ako dito ah, wala silang pakundangan na kinuha pa talaga sa bahay ang laptop ko. Wala na sa tama ang ginagaw nila. Ano naman kaya naging reaskyon ni Papa sana hindi niya nalaman. Lalo na ni Mama, patay talaga ako doon kapag nalaman niya 'to.
"Hindi niyo pa ba tatanggalin 'tong posas ko?" Pagtataray ko naman. May rights naman kasi talaga ako, wala akong kasalanan as in. Malinis akong tao, inosente at walang ginagawang masama kung meron man bakit pagnanakaw pa diba. Hindi na naman ako pinansin ng pulis kasi busy siya sobra sa pagtatype ng kaso kuno ko daw. Nagsasayang lang siya nang pagod niya sa taong walang kasalanan. Hayaan mo na, malalaman din naman natin kung sino talaga ang may salarin.
Sinuri nila ang dalawang laptop. Gustong gustong gusto ko na tanggaain ang posas sa kamay ko pero wala akong magawa, kapag tumatayo naman ako pinapaupo naman ako sapilitang pagupo pa. Wala na akong force sa sarili ko tapos mangyayari pa 'to. Tama ba talaga ang desisyon ko na pumasok ako sa trabahong 'to o napilitan lang din ako gawa nga ng walang pera. Ayokong makulong, wala akong kasalanan. Dahil dapat kung ako man ang gumawa nito. Hindi na dapat ako papasok sa trabaho ko ngayon.
They think I'm the one who did this. Nagkakakamali sila.
Yuie's POV~
I never knew that she could lie in front of us. Oo siya kasi ang naging suspect namin sa nangyaring roberry. She's in the finance department, actually the bank teller. Wala kaming alam na kaya niya palang gumawa ng mga ganon. I never knew that this will be happen, unang pagkakita ko pa lamang sa kanya, the way she looks I can see an innocent girl but then, when did this happen ewan ko kung may balak pa akong pansinin siya.
BINABASA MO ANG
A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)
Roman d'amour[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig lang naman niya ay magbasa. Nang pinasok niya ang pagiging isang manunulat, marami siyang nobelang...