Chapter 1 - First Dance

149 3 0
                                    

Ako si Clara , bata pa lang , hilig ko na ang manuod sa mga ballet dancers, napakagaling nila  , kahanga-hanga ang bawat ikot , indayog at talon na kanilang ginagawa. Ang pagtaas ng kanilang mga kamay na para bang may inaabot na kung anong mahalaga. Dahil na rin sa aking hilig , hiniling ko sa aking mga magulang ang paturuan akong sumayaw ng ballet. 

seven years old ako nagsimula, masaya ang umpisa ng aking pag-sayaw , para akong kalapati na lumilipad sabay ng hangin, Mahirap ang pagtayo gamit ang mga daliri sa paa , pero sa tuwing nagagawa ko ito ng tama , kakaibang saya ang nararamdaman ko. Sinabi ko nga sa aking sarili noong mga panahon na iyon , di ako titigil sumayaw ng ballet , dati nanunuod lang ako , pero ngayon ako na ang pinapanuod ng marami.

Mula ako sa marangyang pamilya, ang aking papa ay isang producer, at ang aking ina ay dating sikat na artista. Masaya ang aming pamilya , pero siyempre , walang perpektong buhay , meron din kaming mga problema na pinagdaraanan , pero ang mga problemang iyon ay pilit itinatago ng aking mga magulang.

Nagkakilala ang aking ama at ina sa mundo ng showbusiness, tulad ng aking sinabi , producer si papa at artista naman si mama. napakaswerte ko sa aking mga magulang , napaka-bait ni papa , mas close kami kung ikukumpara sa aking mama. Dahil na rin siguro masayahin ang aking ama , pero ang aking ina ay minsan lang kung ngumiti. 

Naalala ko nga noong bata pa ako , pag-gising ko mula sa malalim na pagkakatulog , ay narinig ko ang sigawan mula sa isang kwarto sa aming bahay. Sinundan ko ang mga nagsisigawang boses , isang lalaki , isang babae. Nakita ko ang isang naka-uwang na pinto. Sumilip ako , nakita ko si mama at papa na nagkakasagutan. 

Umiiyak si mama na nakaupo sa kama , pinangtatakip niya ng mukha ang kanyang mga kamay , ang aking papa naman ay nakatayo at nakakunot ang noo na tila may kasalanan sa kanya si mama. Pero di ko na pinili pang pakinggan ang kanilang pag-uusap , pero alam ko , tungkol sa akin ang lahat ng nangyayari,

bata pa naman ako noon , kaya't wala akong pake sa mga nangyayari , tanging ang aking mga manika ang aking kausap sa bahay sa tuwing wala ang aking mga magulang, marami kaming katulong pero natatakot akong makipag-usap sa kanila. At kung may kailangan ako , tanging ang mayordomo ng mansyon ang kinakausap ko , siya si Mr. Anderson.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon