Chapter 2 - Dramatic Childhood

121 2 0
                                    

Napakabait ni Mr. Anderson sa akin , ang kanyang mga ngiti ay ang nagpapangiti rin sa akin. Siya ang unang tao na naka-alam ng kung anong gusto ko sa akin buhay, At iyon nga ay ang maging isang propesyonal at sikat na ballerina. 

Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga oras na tinuturuan niya akong sumayaw ng ballet. Kahit di siya marunong pilit niya akong sinasayaw , Naging inspirasyon ko siya, kakampi at karamay. Tumayo siya na ikalawa kong ama. 

Wala nang pamilya si Mr. Anderson sa aking pagkaka-alam , bata pa lang siya eh nagtrabaho na siya para sa aking Lolo at Lola. Noong bata pa ako , wala akong iniisip kundi kung paano ako magiging isang magaling na ballerina. 

Gumigising ako ng mga alas-diyes ng umaga, pagdilat pa lang ng aking mga mata , sasalubong na sa akin ang mga katulong na hawak hawak ang aking mga damit , ang aking tuwalya pampaligo pati ang aking mga laruan. Habang pinapaliguan ako , may naglilinis naman ng aking kwarto. Kinakausap ko naman kahit papaano ang mga katulong , pero tanging ngiti lang ang natatanggap ko sa kanila.

Di ako pumapasok sa regular na eskwelahan , home study ang desisyon para sa akin ni ama. Ayaw na ayaw kasi nilang lumalabas ako ng mansyon. Hanggang hardin nga lang ang aking naabot. Pero kahit na ganoon , masaya naman ako. 

Sa tanghalian , mag-isa lang din ako kung kumain, gabi na kasi kung umuwi ang aking mga magulang.

Pinipilit ko ang mga katulong na sumabay sa akin , pero nakatayo lang sila sa aking gilid at naka-sulyap sa aking pag-kain. Si Mr. Anderson ang nagtuturo sa akin kung paano gamitin ang mga kubyertos , ang kutsilyo , ang mas maliit pang kutsilyo , ang tinidor at ang mas maliit pa na tinidor , pati ang kutsara at kutsarita. 

Ang tamang paghiwa ng karne, ang tamang paghigop ng sabaw at tamang pwesto ng mga kamay. Akala ko ganun din ang buhay ng iba , pero habang ako'y lumalaki , napansin ko ang realidad ng mundo , maswerte ako sa buhay , pero sa pagmamahal ay namumulubi ako , buti pa ang mga pulubi na humihingi ng pagkain sa bahay ay may mga magulang , masaya sila. pero ako nag-iisa.

noong ako'y 15 years old , natuto na rin akong lumabas ng bahay, wala akong mga kaibigan , tanging yung mga kasama ko sa ballet training. Sa ganitong edad eh nagsimula na akong magpakitang gilas sa entablado. Sa mga theatro at iba pang mga malalaking entablado. 

Hinahatid ako ng driver sa kung saan ko sabihin, tanging opo lang ang naririnig ko sa kanya.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon