Chapter 16 - Realization.

59 0 0
                                    

Marami akong nalaman simula noong nagkasakit ako. Marami akong natutunan , mga bagay na di ko makakalimutan kahit na mawala pa siguro ako. Isa na rito ang tunay na kahulugan ng buhay. Ano nga ba ang buhay? , bakit sobrang pinahahalagahan ng iba at sobrang pinapabayaan naman ng iba. Meron din namang sinasayang ito.

kahit naman papaano , alam ko naman sa sarili ko na di ko sinayang ang lahat. naging mabuti akong anak, naging magaling na ballerina , at naging mabuting girlfriend. Pero pagkatapos ng panahong nalalabi para sa akin, siguro mawawala na rin ang lahat ng ito. Tutungo na rin naman kasi ako sa kabilang buhay.

Para sa akin , ang buhay ay parang isang paglalakbay. Darating ang oras na may mga kasama ka sa daan , tutulong sayo para magpatuloy , para gawin ang lahat. Meron din namang mga oras na maliligaw ka, may mga swerteng nakakabalik sa tamang landas , meron din namang di na nakakabalik at unti unting matatapos ang paglalakbay. 

Ang mahalaga lang naman eh , kung gaano mo ginalingan at paano mo ibinigay ang lahat. Alam ko naman na kahit medyo mabagal ako noong umpisa , naging daan yun para sa akin para maging clara , clara na minahal at nagmahal. 

Natuto akong lumaban hanggat kaya ko , natuto akong magmahal ng bukal sa aking puso. Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng paglalakbay ko at kailangan ko nang magpahinga isang hiling ang aking natanggap mula kay martin. 

Dahil sa nasa tamang edad na rin naman kami , niyaya niya ako magpakasal sa harap ng aking mga magulang. Pumayag sila mama at papa , at muli umiiyak na naman sila habang nakaluhod sa harap ko si martin. Nag-alinlangan ako , kasi iiwan ko rin naman siya , pero bakit pa rin siya nag-eeffort na pasayahin ako?. 

Maswerte pa rin pala talaga ako, andyan pa rin ang mga tao na handang samahan ako hanggang sa dulo. Hanggang sa finish line. 

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon