Chapter 7 - Dance With My Father

64 0 0
                                    

Napa-ayos ako ng upo sa kama , ng narinig kong may itatanong si papa ,nakikita ko sa mga mata niya , ang matinding pagtataka,

"May gusto ka ba kay martin"

di ko inaasahang tatanungin niya ako , baka napansin niya rin, natatakot akong umamin.

"po? "

wala akong masabi eh , nakaka-kaba baka paghiwalayin niya kami ni martin.

"eh kasi ... po ... papa hmmmm"

"deretsuhin mo ako anak"

wala na rin akong nagawa , nagsabi na lang ako ng totoo

"Opo papa , pero di pa naman ako sigurado eh."

napangiti si papa , nawala ang bakas ng takot sa aking puso at isipan.

"Ganun ba , napansin ko kasing masaya ka kapag kasama mo siya , teka , may gusto rin ba sayo si martin?"

"Binigyan niya po ako ng rosas , tapos sabi niya di niya na ako ulit di pararamdaman"

"Yun lang ang gusto kong malaman, ocge na gabi na matulog ka na, "

napangiti kami sa isa't isa. 

"matulog ka na , bukas mo na isipin si martin"

napatawa ako , imbes na mairita si papa katulad ng natural na reaksyon ng mga tatay kapag nalalaman ang love life ng anak.

"ocge po papa , goodnight"

dun natapos ang usapan namin ni papa ng gabing iyon , masaya ako sa naging reaksyon niya , mukhang wala kaming magiging problema ni martin.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon