Chapter 9 - Dream Come True

60 1 0
                                    

Isang araw na naman ang dumating , isang hamon na naman ang aking gagawin , ngayong araw ang amng first ballet concert , darating ang maraming big names , mula sa theater , sa showbusiness , pati ang press pinapunta . 

This is my moment , ito na ang chance ko , para ipakita kung anong kaya ko. Kung anong kaya namin ni martin , meron kasi kaming performance na kaming dalawa ni martin. Dumating sa event si Mr. Anderson , si papa , si mama , ang pamilya ni martin.

Kailangan kong ipakita na worth it ang lahat ng binibigay nilang suporta sa akin , di ako pwedeng mapahiya. Kasi gusto ko proud sila sa akin , katulad ng gusto ko noong bata pa lang ako.

Parang ito na ang chance ko para maging sikat na ballerina.

nagsimula na ang palabas , kasama ang lahat ng ballet dancers sa opening prod. , Ginalingan ng lahat ang pag-sayaw, halatang maraming gustong sumikat na ballerina.

At ang hinihintay namin ni Martin ang aming performance , dalawang pangarap ang pwedeng matupad , ang maramdaman si Martin at ang sumikat ako. 

Sumayaw kami ng tila iisang katawan lang kaming dalawa, sabay na sabay walang mintis. Umikot ako ng mabilis , pabilis ng pabilis. At sa huling ikot ko , 

Nagawa ko! , nakatayo ako ng maayos , di ako nadapa. 

Isang pangyayari na naman na dapat kong ipagpa-salamat.

Isang pangyayari na di ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Sa huling ikot ko , narinig ko ang matinding palakpak na nagawa ng aking pag-sayaw , masayang masaya sila mama at papa.

Pagbalik ko ng backstage agad akong muling nag-ayos , retouch retouch din. Pero biglang nagdilim ang mata ko. At napansin kong dumudugo ang ilong ko.

Dumeretso ako sa banyo at agad na naghugas.

Kinakabahan ako , ano bang nangyayare ? Ano to? , baka sa sobrang init lang kanina sa stage dahil sa mga ilaw?

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon