Chapter 5 - Hope

74 0 0
                                    

Pag-gising ko ng umaga , agad akong naligo , nagsipilyo , kumain at naghanda para sa aking ballet training. Tinignan ko ang cellphone ko nanakapatong sa gilid ng kama, nakita ko ang text ni martin , gusto kong basahin pero natatakot ako. 

Habang nasa biyahe ako , tinitignan ko yun , agad ko na itong binasa , nakapaloob sa text ang mga salitang ito "Sorry sa pagkawala ko ng saglit , wag ka mag-alala , nandito na ako ulit, di na kita iiwan" 

pagdating ko sa training area , nakita ko siya na nakabihis na , ngumiti siya sa akin at niyakap ako. at binulong niya sa akin "Hihintayin kita sa stage ah" natuwa ako sa mga nangyayare , agad ko siyang niyakap, at nagpasalamat sa mga sinabi niya sa akin.

Agad akong nagbihis at nag-ayos ng buhok , nagdamit at nagsapatos. Sa araw na ito , magkapareha ang magpeperform , at yun na nga , tinawag ang pangalan namin ni martin , kami na ang partner , pinabunot ang lahat ng kanilang kantang sasayawin. Napili namin ang "The Lonely" ni Christina Perri , napakaganda ng kanta , malungkot pero masarap sayawin. 

Agad kaming naghanda ni Martin. hanga ako sa galing niyang makisama sa kapareha,napaka gentleman , tanong ng tanong kung okay lang ako. Maraming tao ang bumisita sa performance namin , at laking tuwa ko ng makita ko si mama at papa. nakangiti sila sa akin , sinuportahan nila ako sa performance ko sa kauna-unahang pagkakataon , 

Bago kami sumalang sa entablado , kinausap ako ni Martin , pumayag na daw si papa at mama na samahan niya ako , di na daw mahalaga ang rason , ang mahalaga eh magkasama kaming dalawa. Niyakap ko siya . Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi, ngumiti siya sa akin , at lumabas na kami ng stage. Maraming tao , 

Ang mga mgaulang naming mga mananayaw , ang mga press , pati ang mga batikang producers. 

Sa pag-umpisa ng tugtog , agad akong tumalon at umikot , pumasok na rin ng stage si martin , at masaya kaming sabay na sumayaw. Nakakatuwa ang mga pangyayaring iyon , Kasama ng pamilya ni martin , pati si mama at papa, pagkatapos ng performance ay umalis kami at pumunta sa isang restaurant , napakasaya , magkasundo ang bawat panig. 

Nagulat ako sa ibinigay sa akin ni martin , isang pulang rosas. Di ko alam ang ibig sabihin nun , pero masaya ako. At muli sinabi niya sa akin "Di na kita iiwan ulit, andito na ako palagi sa tabi mo"

Ngumiti lang ako , at sinabing "masaya akong kung ganun , wag mo na ako iiwan ah!"

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon