Chapter 19 - I Do

45 0 0
                                    

Naglakad na ako papunta kay Martin , bakas na bakas naman sa mukha ni Martin ang matinding galak na nadarama. Nakakatuwang isipin na yung lalaking sobrang presko na kinaiinisan ko noon , eh mamahalin ko at mamahalin din pala ako ng sobra sobra.

Naglakad kami sa altar at umupo sa mga pulang magagarbong upuan. Ginawa na ang seremonya ng kasal , hanggat itinali na kami sa isa't isa , ang mga singsing at ang aras. Hanggang sa nagtanong ang pari. 

"Martin , tinatanggap mo ba si Clara , bilang iyong kabiyak , sa hirap man o ginahawa?"

walang alinlangang sumagot si martin , sabay tingin sa akin ng nakangiti

" Opo father"

"Ikaw Clara , tinatanggap mo ba si Martin , bilang iyong kabiyak, sa hirap man o ginahawa?"

"Opo Father"

"kung ganoon , lalaki pwede mo nang halikan ang iyong misis."

Humarap kami sa isa't isa , naririnig ko ang palakpakan ng lahat.

Hinalikan ako ni martin ng buong puso , na parang wala nang susunod na araw ang darating na kasama niya pa ako;., binaba niya ako sa altar at untin unting nilisan ang simbahan. 

Itinuloy na namin ang lahat sa isang beach. tago itong beach, may maliit na bahay at doon kami namalagi. Natatawa ako sa tuwing iisipin kong naka-gown pa ako at naka-tuxedo pa siya habang naglalakad kami sa beach.

At kumain na kaming dalawa , pagdating ng gabi, sobrang lamig ng hangin , at ang araw ay tinapos namin sa mainit na pagmamahalan. Binulong ko sa kanya ang lahat "Salamat , Mahal na Mahal Kita"

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon