Chapter 8 - Sweet Love

62 1 0
                                    

Nang nagising ako , mukhang masaya ang lahat , agad kong chineck ang phone ko. 

Birthday pala ni papa ngayon !!! , naligo ako agad , nag-ayos at agad na bumaba , maraming handa sa mesa , na pinagtaka ko naman , sa tuwing birthday kasi ng isang miyembro ng pamilya , lumalabas lang kami , minsan pa nga eh wala pa. Ako lang ang naghahanda ng kainan sa tuwing kaarawan ko. Marami ang pagkaing hinanda , sobra para sa tatlo , mukhang madadagdagan pa ng tatlong bisita.

Nagtaka ako sa aking nakita , inisip ko na baka kasosyo lang ni papa ang darating , pero hindi naman pumasok ngayon si papa , agad akong pumunta sa kwarto nila ni mama , umakyat ako ng mabilis sa mahabang hagdan ng aming mansyon. Sumilip muna ako sa kwarto nila bago ako pumasok , nakita ko si mama.

Yakap- yakap si papa , mukhang naaayos na nila ang mga problema nilang dalawa. Na nakadagdag naman sa ikinatutuwa ko. 

Ako na , ako na talaga ang pinagpala , ang daming blessings ni lord sa akin. Sobrang thankful ako , pumasok ako at binati si papa , niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit , ganun din kay mama. 

May sinabi sa akin si papa pagkatapos ko niyang hagkan

"May surprise ako sa iyo anak"

nakangiti sila sa akin ni mama, nagtataka ako , di naman ako ang may birthday , naalala ko tuloy na wala akong nabiling regalo kay papa na agad ko namang hiningian ng sorry.

"Okay lang yun anak , yung makita lang kitang masaya okay na ako"

Ngumiti ako ng mahabang mahaba , niloloko ko si papa , para lalo siyang sumaya

Narinig ko ang bungisngis nila ni mama , nakakatuwa , okay na okay na ang lahat. Perfect na perfect.

Pero may mas nakakatuwa pang nangyari

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon