Chapter 10 - Confusion

63 1 0
                                    

Ano ba to? ang tindi ng sirit ng dugo. Agad akong pinasok sa banyo ni martin , tinulungan niya ako. Pilit akong gumagalaw pero talagang nahihilo ako, Tinawag niya ang mama niya, para tawagin sila mama at papa pati na rin si Mr. Anderson. 

Tinanong ako ni martin , naaburido siya , mabuti na lang at tapos na ang performance namin.

"okay ka lang ba clara? sumagot ka"

tinatapik niya ang mukha ko , para magising ako , pero di ko na talaga kaya, tumumba na ako at nawalan ng malay. 

Pag-gising ko , sobrang nasisilaw ako , "nasa langit na ba ako?" , pero biglang nakita ko ang mga mukha ni mama at papa , tumingin ako sa paligid , nasa hospital pala ako , naging eksaherada ako ng konti.

Nakita ko si Martin , suot suot niya pa rin nya ang costume naming dalawa , nakatulog pala siya habang nagbabantay , tinanong ako agad ni papa at mama

"Anak okay ka lang ba?"

"anak may nararamdaman ka ba?"

"may gusto ka ba anak?"

worried na worried sa papa at mama, dumugo lang naman ang ilong ko , at nahimatay lang ako , pero bakit parang hinang hina pa rin ako?

"okay lang ako mama , ano ba nangyari? , ano ba daw ang sakit ko?"

nakita ko ang bahid ng pagkadismaya nila papa at mama sa tanong ko.

Parang may nangyari na naman na di ko alam , di nila ito gustong sabihin.

Maraming pumasok sa isip ko , nakakatakot , napaiyak ako , ng biglang hawakan ni martin ang braso ko at niyakap ako.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon