Chapter 20 - Last Dance

88 0 2
                                    

Kinaumagahan , nagising ako na mag-isa , tinignan ko sa salas  si martin , pero wala , sa mga oras na iyon kinakabahan ako , baka iniwan na ako ni martin. Wala siya sa banyo. Pero naamoy ko ang isang mabangong pagkain , sinundan ko ito at natunton ko ang kusina , nakita ko si martin na nagluluto ng almusal.

Lumapit ako sa kanya at napaiyak

"Akala ko iiwan mo na ako"

Ngumit naman siya sa akin at niyakap ako habang hawak hawak ang spatula na gamit niya

"Hinding hindi , dito lang ako sa tabi mo."

Pagkatapos naming kumain ni martin , napagpasyahan kong sa beach na kami maligo. walang katao-tao , kaming dalawa lang , kami lang ang magkasamang nagpapakasaya kasama ang asul na dagat at ang white sand ng karagatan. Nakaputing polo siya noon na nakabukas pa ang butones , ako naman nakaputing dress lang.

Naghabulan kami hanggang sa naramdaman kong may dugo na sa aking ilong.

Nagulat ako , nahilo ako , pero alam ko na ang mga mangyayari. Nandilim ang paningin ko at bumagsak ako. May sinasabi si martin habang umiiyak , pero di ko na narinig yun. Sinabi ko lang sa kanya na salamat na sa maikling panahon napasaya niya ako. 

Ibinigay niya ang lahat, buong lakas akong tumayo at sumayaw kasama siya , hawak niya ang kamay ko habang hawak naman ng isang kamay ko ang balikat niya. Sumayawa kaming dalawa hanggat kaya ko pa. Hinang hina na ako ng napahiga ako sa buhangin , niyakap ako ni martin at sinabi sa akin na

"Mahal na mahal kita , kung saan ka man mapupunta , lagi kang nandito sa puso ko" 

Ngiti lang ang nasabi ko at tuluyan nang natapos ang paglalakbay ko

Ito ang Kwento ko , ako si clara , at isa akong ballerina

---------------------------------------------------------------------

Like the story? , please comment , vote and be my fan :D you can also follow me on twitter @MarkDaoana , thank you

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon