Chapter 15 - Acceptance

68 2 0
                                    

Noong umagang iyon , masaya akong gumising , ng bigla na lang akong nauubo na nasusuka. Pumunta ako sa banyo para sumuka , pero iba ang lumantad sa akin. Dugo , dugo ang aking sinuka habang inuubo. Naalala ko na naman ang aking sakit , di ko namalayan na sumunod pala sa banyo si mama. Umiyak siya para sa akin, nalulungkot siya sa aking sasapitin. Agad kaming pumunta kay papa at sinabi ang nangyari.

Kinuwento namin ang lahat . Minsan nag-usap usap kaming tatlo, malungkot ang bawat sandali sa pangyayaring iyon. Parang nauupos ang mga magulang ko dahil sa sakit na dumapo sa akin. Sinabi pa nga ni papa na "Kung pwedeng ako na lang sana ang nagkasakit , sobrang bata mo pa anak, para dalhin yan" , agad din namang bumawi si mama "Kaya anak kung anong gusto mo , wag kang mahihiyang sabihin sa amin ng papa mo ah" 

Masaya ako sa aking mga narinig mula sa kanila. Pagkatapos eh nag-enjoy na sila sa beach , nag-stay muna ako sa cottage at kinausap naman ako ni Mr. Anderson. "Clara , malungkot ako sa sinapit mo , pero masaya akong nakikita kang matibay pa rin." , sinagot ko naman agad ang testamento niya "Ok lang yun Mr. Anderson , lahat naman may hangganan, lahat may katapusan"

Kahit papaano natatanggap ko na rin ang sasapitin ng buhay ko. Bwisit na disney channel yan , akala ko lahat natutuloy sa happy ending, pero dun ako nagkakamali. Minsan kailangan din nating magsakripisyo , para maayos ang lahat. Sa bawat katapusan ay laging susulpot ang pagsisimula.

Ilang buwan din ang lumipas at nag-iiba na ang itsura ko, natutuyot ang mga balat ko, laging tuyot ang aking mga labi. Pero di ko ito nararamdaman pag andyan si Martin. Kapag bumibisita siya sa bahay , siya ang nagluluto para sa akin. Siguro sa ganoong paraan maipaparamdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal. At natutuwa naman ako dahil dito.

Kahit na sobrang panget ko na , hinahalikan niya pa rin ako sa lips at cheeks. Mahal talaga ako ni martin. Alam kong umaasa pa rin siya na hahaba pa ang pagsasama naming dalawa. Minsan sa tuwing mag-uusap kami tungkol sa mga balak naming mangyari sa aming buhay. Nakikita ko ang malungkot namukha niya. Minsan pa nga eh, di niya mapigilan ang sarili na umiyak.

Nakakakonsensya iwan tong mga to. Iyak ng iyak , minsan nga nabiro ko pa sila na , "Iyak kayo ng iyak , di pa ako patay , save nyo na lang yang luha niyo sa burol ko" . Pinagalitan ako ni papa pero kahit na ganoon , mas nanaig pa rin yung pagkalungkot niya sa puwedeng mangyari.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon