Chapter 6 - Pink Ballet Tutu

70 0 0
                                    

Simula nang nangako sa akin si martin , naging masayahin akong muli , nakikita ko ang maayos na pagsasama nila mama at papa. Nakakatuwa , kasi parang sa isang saglit lang eh ayos na ang lahat , di na ako nag-expect pa na magkakaroon pa ng problema.

Araw araw na kung bumisita si Martin , parang di siya nag-aaral haha XD . Pero wala na akong paki-elam basta kasama ko siya masaya na ako. Alam ko may mga bagay silang hindi pa sinasabi,  gusto kong malamanpero sa tuwing tinatanong ko sila tanging ngiti at yakap lang ang kanilang sinusukli.

Napakasaya ko simula ng araw na yun , pinapayagan na akong lumabas ng mansyon at pumunta sa mga lugar na gusto kong puntahan . kadalasan kasama ko si martin. Ewan ko ba , pero mahal ko na tata itong gwapong ito. 

Marami din akong nadiskubre sa kanya , mula sa maikling panahon na nakasama ko siya ,

Ang gusto niya pala talaga ay maging piloto , napansin ko yun sa kanya ng minsan niyaya niya ako sa bahay nila para magliwaliw, napansin kong puro poster ng eroplano ang kwarto niya. Ipinakita sa akin ng mama niya ang buong bahay, di kasing laki ng bahay namin , pero masaya.

Naisip ko sila mama noon , hiniling ko na lang na sana ganun din palagi sa bahay, 

Boring kasi kung tahimik lang kami , para akong nasa sementeryo araw araw.

Buti na lang at natuto nang makipag-usap sa akin ang mga katulong , marunong na sila mag-goodmorning haha , nag-improve sila. 

Totoo ba ang lahat ng ito, kasi kung panaginip ito , Lord ayoko na po magising.

Minsan akong binisita ni papa sa kwarto , umupo siya sa couch sa tabi ng kama ko at mukhang may sasabihing seryoso. Kinabahan ako , ito na ba ang sikreto na gusto kong malaman , ang dahilan ng lahat ng pagbabagong ito?

"Anak"

"Ano po yun dad?"

"may sasabihin si papa sayo"

kinabahan ako, tumayo ang mga balahibo ko ,l ang bilis ng tibok ng puso ko

"Ano po yun dad, mukhang seryoso po yan"

"May tatanungin sana ako"

Nagtaka ako , akala ko may sasabihin siya yun pala tatanungin lang ako

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon