Chapter 12 - Miseries

59 1 0
                                    

bago kami umuwi ng bahay , inexplain sa akin ang lahat ng doctor ko . Matagal na akong may leukemia , konti na lang  ang palugit ng buhay ko , binigyan niya ako ng 300 days. Habang nagsasalita ang doctor. nakatulala lang ako na parang wlang kasama.

Balewala na rin ang mga sasabihin niya, di na madudugtungan ang buhay ko. Hiniling kong umuwi ng bahay , nagkulong ako sa kwarto ng buong araw , kumakain naman ako , nagpapadala na lang ako sa kwarto. Wala akong pinapapasok sa kwarto ko kung hindi ang mga katulong na naghahatid ng pagkain ko.

Bumibisita si Martin sa akin araw araw, pero di ko siya pinapapasok sa kwarto. Dinadala lang ang mga rosas at chocolates sa kwarto ko. Natatambak na ang lahat ng iyon , nalalanta ang mga bulaklak. Kinakain ko naman ang mg chocolates, sayang naman kung itatapon ko lang.

Ilang buwan din akong ganun hanggang sa narealize kong , maikli na nga ang lahat , sasayangin ko pa ba. Nagulat ang lahat ng katulong at pati ang mga magulang ko na bumaba ako sa hagdan ng nakangiti tinawagan ko si Martin at nagpasundo sa bahay.

Nagpaalam lang ako sa aking mga magulang na magpapakasaya lang ang unica hija nila. Lubus-lubusin ko na ang lahat. Pumunta kami sa theatro , sumayaw kaming dalawa ni martin . walang tao sa mga oras na yun. At tanging halik lang ang tumapos sa aming ginawang indayog. 

Ngayon , iba na ako , magiging masaya ako hanggat andito pa ako. PInlano kong pumunta sa maraming lugar , lalo na yung mga di ko pa napupuntahan. Gusto kong subukan ang maraming karanasan. Magiging busy ako sa pag-gawa nito.

Sumama ang pamilya ni martin at ang aking mga magulang. Pumunta kami sa maraming lugar , mula sa manila ,pumunta kaming bohol , palawan , pagsanjan, marami pang lugar. Sa huli boracay ang pinuntahan namin , tuwang tuwa ako , ang saya pala ng ganitong buhay , yung nakakapunta ka sa lahat ng gusto mo .

Malayang malaya , masayang kasama ang lahat ng minamahal mo , at siyempre nagmamahal sayo

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon