Chapter 18 - Ceremony

41 0 0
                                    

Nagsimula na ang oras na pinakahihintay naming lahat. Magsisimula na ang kasal , naghihintay na lang ang lahat sa pagbaba ko sa puting sasakyan. Hinihintay na ng lahat ang paglalakad ko mula sa pinto ng simbahan , hanggang sa paghatid sa akin ni papa sa altar , at ang pag-oo ko sa pagiging asawa ng mahal ko.

Habang nasa biyahe ako , ngiti lang ang nakikita ko sa mga mata ni mama. Akalain mo ba namang mawawala na ang unica hija niya. Ang prinsesa sa mansyon , ang senyorita na gingising pa ng tatlo tatlong katulong. 

Tanggap na niya ang sasapitin ko. At last , nasa simbahan na kami . Bumaba ako sa sasakyan sa tulong ni mama,hinawakan niya ang gown ko. Pagbukas na pagbukas ng pintuan , bumulaga sa akin ang mga mgagandang pulang rosas , ang mga magagandang palamuti at ang red carpet na lalakaran ko papunta sa altar. 

Ng bigla ko nang narinig ang isang kanta na  maghuhudyat ng pagsisimula ng aking paglalakad , ang kantang ginamit ni martin sa kanyang proposal ang "Because You Loved Me" naglakad ako at nakita ko ang karamihan na masayang masaya sa mga nangyayari. Si Mr. Anderson , si papa , si mama , Ang mama ni martin , ang ate niya , ang mga kasama ko sa ballet training at siyempre si martin.

Pagdating ko sa kalagitnaan , bigla na lang tumulo ang aking mga luha. Inalalayan na ako ni papa papunta kay martin. Habang naglalakad ako kasama si papa , may ibinulong siya sa akin. Nagsosorry siya sa lahat ng pagkukulang nila ni mama. Napakasaya niya sa mga nangyayari sa buhay ko.

At ako , masasabi kong maswerte ako , ang taong handang samahan ako hanggang sa dulo , ang mama na handang alalayan ako sa paglalakbay at ang papa na handang ihatid ako sa dulo ng lahat. 

Nakita ko na si martin , nakangiti . Napapaiyak siya kaya't bago pa ako makarating sa kanya , pinunasan niya ang kanyang mga mata, na para bang siya ang pinaka maswerte na lalaki sa mundo. 

Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito. Lahat sila ay mananatili sa puso ko. Lahat sila ay kasama sa bawat indayog ko, sa bawat ngiti at bawat pag-iyak. Malapit nang matapos ang lahat.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon