Chapter 4 - Ballet Shoes

88 0 0
                                    

Katulad ng sinabi ko , sa tuwing may dinaramdam ako , sumasayaw ako ng ballet para ilabas ang nararamdaman ko.  Habang sinusuot ko ang sapatos ko na pang-ballet , matinding inis ang nararamdaman ko. At ang lahat ay nailabas ko ng tumayo ako , tinaas ang mga kamay ko na parang may inaabot na mahalaga, umiikot ng dahan dahan , pabilis iyon ng pabilis , tumalon ako na parang may tinatakasan , habang tumutugtog ang piano piece. At nagulat ako sa pagtulo ng luha sa aking mga mata , unti unti kong tinaas ang aking kanang paa at umikot ng mabilis. 

Natumba ako sa aking ginawa , pero ibang sakit ang inintindi ko , napaupo ako at nakatulalang umiiyak. Nagtataka ako sa mga nangyayari. Akala ko kapag sumayaw ako magiging malaya na ang aking pakiramdam. pero bakit iba ang nangyayari,

Sumigaw ako , sumigaw ako upang ilabas pa ang natitirang sama ng loob sa puso ko. 

Lumabas ako ng bahay , umupo sa puting upuan sa aming hardin at humingi ng mainit na tsokolate kay Mr. Anderson , agad naman siyang umalis at naghanda ng mainit na tsokolate. Umuulan iyon pero wala akong paki-elam sa hangin na humahampas sa mukha ko , hanggat nilagay ni Mr. Anderson ang tsokolate sa mesa ko , nilagay niya ito sa isang malaking mug. Pagikot ko ng mug eh nakita ko ang isang sulat , 

"KAYA MO YAN SENYORITA" , tinignan ko si Mr. Anderson , ngumiti siya sa akin , na nagpapakita ng concern niya para sa nararamdaman ko. wala na akong inaksayang panahon , niyakap ko siya , habang ako'y nakaupo at siya'y nakatayo. Hinawakan niya ang braso ko , hinimas ang likod ko para mapabuti ang aking pag-hinga. Pagtayo ko eh nagpasalamat ako sa kanya, naglakad ako ng dalawang hakbang, pero bigla akong napapikit at nanghina. 

Pagkatapos noon , nagising na lang ako sa aking kama. Nakita ko ang mga gamot na pinainom sa akin sa gilid ng aking kama. Andami noon , talo ko pa ang may malalang sakit. Tinanong ko si Mr. Anderson kung para saan ang mga gamot, at sabi niya "Para lang sa hilo yan senorita" , ngumiti siya at inalok ako ng tubig. Ininom ko yun at ibinigay sa kanya. 

Nagtakip ako ng kumot sa aking katawan at tumalikod mula sa kanya.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon