Chapter 3 - Make-up

98 1 0
                                    

Patuloy na naging malungkot ang buhay para sa akin , pero nagbago ang lahat ng nakilala ko si Martin. Si martin ay kaedad ko. kasama ko siya sa pagsayaw ng ballet. Ang totoo hindi naman talaga gusto ni Martin ang sumayaw sa entablado. Sadyang napilit lang siya ng kanyang mama. Magaling siya , sa tuwing umiikot kaming dalawa napakabilis niya , siya lagi ang aking kapareha sa practice at performances. Simula noon , naging close kami , nakakatext ko siya .

Ngunit mukhang hanggang text na lang kami , Di kasi ako pinapayagan ng aking magulang na umalis ng bahay para lang pumunta sa mga lugar na puro lakwacha lang ang aking gagawin. Napakabait sa akin ni martin , dahil kadalasan wala sa bahay ang aking mga magulang , bumibisita siya. Nagdadala ng kung anu-anong pagkain. 

Kasabay ko siya paminsan minsan sa tanghalian. 

Nakilala ko na rin ang pamilya niya , napakabait ng kanyang ina , at maginoo naman ang kanyang ama. Meron siyang kapatid na babae , bata pa 5 taong gulang. .

napaka-maginoo ni martin , lagi niya akong inaalalayan. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya , katulad ni Mr. Anderson napapasaya niya ako , pero iba ang kay martin , kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. 

Parang ayoko nang umalis siya sa aking tabi , paminsan minsan sinusubukan naming tumakas, pero lagi kaming nahuhuli ng gwardiya, Buti na lang at naiintindihan ni martin ang kalagayan ko.

Akala ko magiging okay ang lahat , pero nagkamali ako , minsan nang naabutan ni papa at mama si martin sa bahay ,  simula noon , di na nagtext pang muli si martin , di na niya ako pinapansin , di niya ako binibisita sa bahay. Dahil doon matinding lungkot ang aking naramdaman , parang may mga bagay silang itinatago sa akin.

Para akong tumatakbo sa mundo na walang kasiguraduhan kung saan ako pupunta , basta ang alam ko , okay ang lahat.

Pilit kong inintindi kung ano man ang dahilan ni martin , alam ko na may kabuluhan iyon. alam kong may  valid reason siya para gawin sa akin ang mga bagay na ito.

A Ballerina's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon