Chapter Nineteen

10.1K 276 1
                                    

Maaga siya nagising kinabukasan. Ang sarap ng tulog niya. Ngayon lang siya nakatuLog na maayos na walang pangamba.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito talaga siya sa bahay ng bago niya kaibigan si Amore.

Malaki ang bahay at malinis ng paligid. Sumulyap siya sa malaking salamin na dingding kung saan tanaw na tanaw niya ang karagatan at sa isang banda ang Hotel ay kita din. Ilang metro lang ang layo ng bahay nito roon.

Nakikita niya lagi ang bahay nito kapag nasa labas siya ng hotel.

Si Amore pala ang nakatira dito. Pero ang pinagtataka niya bakit ito nagtatrabaho sa hotel?

Hindi magkakaroon ng ganito malaki at maganda bahay ang isang tulad nila na housekeeper lang.

Hindi kanya hindi naman talaga empleyado roon si Amore?

She sighed. Hindi niya dapat pinagdududahan si Amore. Kaibigan niya ito at naging mabuti ito sa kanya.

Pero nakakaduda naman talaga siya. Bigla pa siya sumulpot.

"Goodmorning!"pagbati ni Amore habang pababa sa hagdanan.

"Maganda umaga,Amore..nagluto ako ng almusal.." nakangiti niya bati rito.

"Wow?! Talaga! Naku,matagal na ko hindi nakakakain ng lutong bahay,tuwing ikatlong buwan lang ako nakakaing ng lutong bahay mula sa isang kaibigan!"

Natutuwa siya sa nakikita niya kasiyahan sa mukha ng kaibigan.

"Masarap ako magluto kaya magmula ngayon ipagluluto kita.."

"Gusto ko yan! Naku,wag mo lang isipin na pinilit kita tumira dito para may tagaluto ako ah! Natutuwa lang ako na may kasama na ko rito.."

"Oo naman..saka kikilos ako dito sa bahay mo para naman makabawi ako sa kabutihan mo.."

"Well,hindi ko tatanggihan ang masarap na pagkain!" tuwang-tuwa nito saad.

She chuckled. Inaya na niya ito sa dining room.

Habang kumakain sila panay ang puri nito sa niluto niya sinangag.

"Paborito ko na itong fried rice mo!"

"Salamat.."

"Sigurado ako magugustuhan ka ni Amelia..."

Napaangat siya ng mukha mula sa plato niya.

"Ha?"

Agad na natigilan ito.

"Uh..may kaibigan ako na masarap din magluto katulad mo kaya kapag nakilala ka niya sigurado magugustuhan ka niya.."

"Talaga...uhm,may itatanong sana ako kung hindi mo mamasamain.."

"Ano yun?" nakangiti nito saad.

"Uhm,bakit ka nagtatrabaho sa hotel? Uhm,mayaman ka naman.."

Bigla siya nahiya sa pagtatanong niya ng tumawa ito.

"Hay naku,hindi naman ako ang may-ari ng bahay na to eh.."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Pero wag ka mag-aalala,alam na niya na kasama kita dito,siya pa nga nagsuggest na maghanap ako na makakasama dito eh,kaya wala ka dapat alalahanin,okay?" anito sabay kindat sa kanya.

Hindi makapaniwala napamaang na lang siya rito.

Alright,mukhang kailangan talaga niya makilala ito ng mabuti.

Isa na siya misteryosa para sakin.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon