Special Chapter

14.4K 350 27
                                    

Napamulat ng mga mata si Jamiel nang maramdaman ang dalawang mabigat na bagay na dumagan sa kanya habang nakadapa siya sa malaking kama nila ng kanya kabiyak na si Mandy.

"Good morning,Daddy!!" sabay na bati ng kanya anak na kambal na sina Milan at Myla.

Ang anim na taon gulang na dalawang anghel niyang anak.

Nakangiti na bumalikwas siya mula sa pagkakadapa niya at agad na dinamba siya ng yakap ng dalawang kambal.

Tumatawa na niyakap niya ang kanya kambal na anghel.

Sabay na hinalikan din siya nito sa magkabila niya pisngi.

"Where's mommy?" tanong niya sa kanya kambal na anak.

"Nasa kusina po,sabi po ni mommy,gisingin na daw namin kayo.." malambing na sagot ni Milan.

Pinatakan niya ng halik ang noo nito at ganun din ang isa pa.

Humagikhik ang mga ito sa ginawa niya.

"Daddy,pwede po magtanong?" untag ni Myla.

Matanong ito kaysa sa kambal nitong si Milan. Parehong matalino ang pinagkaiba lang,si Myla ay lagi sinasatinig kung ano ang nasa isip nito. Si Milan naman tahimik pero grabe ito kung magbigay ng komento sa isang bagay na napupuna nito.

"Yes,sweetheart,what is it?"tugon niya rito habang masuyo hinahaplos ang mahabang kulay mais nitong buhok.

"Bakit po bigla  hindi ako pwede makipagkaibigan sa mga lalaking kaklase ko sa school ngayon?"pagtatanong na nito.

Bumuntong-hininga siya. Isa sa pinoproblema niya ay lapitin ito ng mga lalaki kahit anim na taon pa lang may mga kaedad na nito na nangangahas na dumalaw sa bahay nila para mabisita lang ito.

"Sweetheart,hindi naman sa pinagbabawalan kita makipagkaibigan sa kanila masyado pa kayo bata para sa gusto-gusto na yan..remember that boy last week? Gusto ka daw niya maging girlfriend paglaki niyo,I don't like that..." mariin niya pag-iling sa anak.

Lumabi ito sa sinabi niya. "Hindi ko naman siya gusto eh,bata pa nga po ako,di ba.." ingos nito.

Napapailing na hinalikan niya ang ulo nito. Bumaling siya kay Milan na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Ngumisi ito sa kanya. Napailing siya muli. Nakikita niya ang ugali ng kambal niya si Sana'a sa isang ito.

"I don't like him too,dad...masyado siyang maputi parang wala na nga siya dugo eh!"komento nito.

Sabi na eh,Sana'a is real!

He chuckled. Mahigpit na niyakap na lamang niya ang kambal na humagikhik naman na gumanti ng yakap sa kanya.

"Mukhang nakalimutan niyo na ako ah," pukaw ni Mandy sa kanila.

"Mommy!!!" muli sabay na bigkas ng kambal.

Agad na lumapit ang mga ito sa ina na nakahalukipkip sa may pintuan. Sabay na niyakap ang ina sa may beywang nito.

"Napahaba na naman ata ang kwentuhan niyo mag-aama ah," malambing nito sabi sa kanila anak.

"Si Myla po kasi kung ano-ano tinatanong kay Daddy.." paglabi ni Milan.

Napasulyap sa kanya ang asawa.

"O siya,mauna na kayo sa baba.."

Agad naman sumunod ang magkambal.

Bumangon na siya sa kama at agad na hinapit ang asawa na malambing naman yumakap sa kanya.

Pinatakan niya ng halik ang noo ng asawa.

"I'm sure tungkol na naman sa pakikipagkaibigan ang topic niyo ni Myla?"sita nito pagkaraan.

He chuckled. Nanatili yakap niya ang asawa.

He sighed. " Next year kailangan ilipat na natin sila sa girls school.."aniya.

Tumango ang asawa. Ayaw na kasi nila lagi pinagtatalunan iyun.

"Alright,basta ikaw na bahala magpaliwanag sa kanila alam mo naman ayoko talaga sa pagiging mahigpit mo sa kambal natin.."

"Well,salamat pa din sa pag-iintindi.." saad niya.

Matamis na nginitian siya ng asawa.

"Ganun talaga,mahal kita eh,kayo ng mga anak natin," anito.

" and I love you more and our beautiful twins daughter.."

Puno ng suyo at pagmamahal na sinakop niya ang mga labi ng asawa.

His forever love. His wonderful mate.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon