Chapter Fifthy-Three

9.5K 221 4
                                    

Hindi na niya alam kung saan pa niya hahanapin ang kasintahan. Ilang araw na siya abala sa paghahanap rito sa buong Aurora. Wala nakakakilala rito.

Marahas siya napabuga ng hangin at napahilamos sa kanya mukha ni mag-ahit ay nakalimutan na niya gawin sa sobrang abala niya sa paghahanap sa kasintahan.

Ilang araw na rin hindi siya pumapasok sa opisina niya. May mga meetings siya na hindi na niya napupuntahan.

Bumukas ang pintuan ng penthouse niya at pumasok ang kanya ina na si Amelia kasunod ang kakambal niya na nalukot ang ilong.

"Anak.." may pag-aaalalang lumapit sa kanya ang ina.

Bigla tuloy siya nahiya sa itsura ng bahay niya. Nagkalat ang mga lata ng beer at mga lalagyan ng mga inorder niya pagkain.

"Tatawag ako ng maglilinis dito,ang baho kaya!" untag ng kakambal niya at iniwan sila mag-ina.

Hinaplos ng kanya ina ang kanya pisngi. Hindi siya makaharap ng maayos rito dahil sa singaw ng alak mula sa kanya.

"Maliligo lang muna ko,Mom.." aniya.

"Okay,kumain ka na ba?" may pag-aaalala pa rin nito turan.

Umiling siya.

"Sige,magpapakuha ako.."

"Si daddy po?"tanong niya sa ama,nakakapunta lamang dito ang kanya ina kung kasama ang kanya ama. His Father is kinda possessive husband. Siya kaya?

Hindi naman aalis si Mandy kung hindi siya umalis sa tabi nito.

"Kausap ang sekretarya mo.."

Tahimik na tumango siya at pumasok na ng banyo. Kailangan niya mag-ayos ng sarili. Nahihiya siya sa magulang niya. Ayaw niya isipin ng mga ito na mahina siya. Hindi siya ganun.

Malinis na ng lumabas siya ng banyo. Hindi niya alam kung gaano katagal siya sa loob ng banyo. Kalahating oras? Isang oras?

Nakapag-ahit na din siya at magaan na ang pakiramdam niya.

"Maupo ka na at kumain.." nakangiti anyaya sa kanya ng ina.

Agad na pinalagyan siya nito ng pagkain sa kanya plato pagkaupo niya. Bigla niya naalala ang nobya.

May kung ano kirot na kumurot sa kalooban niya.

Labis na siya nangungulila sa kasintahan. Nag-aalala na rin siya baka kung napaano na ito.

"Mahahanap din natin siya,anak.." pukaw ng kanya ina sa kanya na masuyong hinahaplos ang kanya buhok na may kahabaan na din.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"I'm sorry,Mom..I'm disappointing you and Dad.." bahagya malat niya saad.

"Wag muna intindihin ang bagay na yun...kahit sino may kahinaan,anak...nandito kami para unawaan ka.."

Hindi na niya pinigilan ang sarili. Yumakap siya sa beywang ng ina na nakatayo sa tabi niya. Ang lalaki kilalang mabagsik na negosyante,a alpha male ay tila isang batang inapi habang nakayakap sa ina.

"I can't find her,Mom...I love her so much.."nagsusumbong niya saad.

Malambing na niyakap siya ng ina.

"Huwag mo siya sukuan..dyaan nasusubok kung gaano mo kamahal ang isang tao,anak...nandito din kami para tulungan ka. Gusto ko makita masaya ang anak ko.."

Nanatili lang siya nakayakap sa ina habang masuyo siya nito hinaplos sa kanya ulo hindi siya bumitaw sa ina kahit na nakita niya nakamasid lang sa kanila ang kanya ama.

He looks so worried too. He know that. Nararamdaman niya iyun.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon