Sa paglipas ng mga araw mas lalo niya nakikilala si Jamiel.
Minsan may pagkakataon na nangangamba siya dahil may pagkakataon na may nakakakita sa kanila na magkasama.
Pero wala pa rin naman siya naririnig sa iba. Kaya kahit papaano nakakahinga pa siya ng maluwag.
Napasulyap siya sa mga tao na nag-eenjoy sa may karagatan kahit padilim na patuloy pa rin ang mga ito sa paglangoy.
She sighed. Dalawang araw ng hindi niya nakikita si Jamiel. Nasa business trip ito sa ibang bansa. Nagpaalam sa kanya ang nobyo na mawawala ng tatlong araw.
Malapit na siya sa bahay nang mapahinto siya sa paglalakad ng may gamit na tumama sa kanya. Mga damit niya. Nag-angat siya ng tingin sa bumato niyun sa kanya.
Napasinghap siya ng makita ang babae. Si Chloe.
Nakangisi ito habang nakahalukipkip.
"Hindi ka na pwede pumasok sa bahay na ito.."
"H-ha?"
"Ako ang gagamit ng bahay since magiging fiancee na ko ni Jamiel once na nakabalik na siya rito ihahanda na ang engagement party para samin dalawa..."
Natulos siya sa kinatatayuan niya. Para siya binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito.
"Ginamit ka lang ni Jamiel dahil gusto niya ko pagselosin pero ngayon okay na kami...magkasama kami sa abroad at nauna lamang ako dahiL gusto ko ako mismo ang maghahanda ng engagement namin..kaya,get lost!" pagtalim ng mga mata nito.
Mabilis na nilock nito ang gate.
Wala sa sarili na pinulot niya ang kanya mga damit.
Hindi naman siya makakapasok sa bahay na yun kung hindi binigyan ni Jamiel ng susi ang babae.
Umiiyak na napasalampak na lang siya sa may buhanginan.
Saan siya ngayon pupunta? Anong gagawin niya ngayon?
Engagement party? Bakit? Magkasama pa sila sa abroad!
Umusbong ang galit at inis sa dibdib niya para sa binata. Niloko lang pala siya kung ganun?
Sa tingin mo gagawin yun ni Jamiel? Kontra ng isip niya.
Agad na napalitan ng pag-asa ang kanya nararamdaman na sana hindi iyun totoo.
Nanghihina na tumayo siya bitbit ang mga damit niya,tama lang siguro na hindi siya dapat umalis hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. Alam niya hindi magugustuhan ni Jamiel na bigla na lang iiwas rito ba walang pag-uusap.
Nasa kwarto niya ang key card ng penthouse nito kaya saan siya matutulog ngayon?
Eh di doon ka na lang uLit sa labas ng pintuan ng penthouse niya matulog,suhesyon ng isip niya.
Tama,hindi ako aalis dito hanggat hindi kami nagkakausap. Lalayo lamang siya sa oras na manggaling iyun sa kasintahan ang katotohanan iyun.
BINABASA MO ANG
Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)
Lupi mannari#AlphaWerewolf #Family #Romance #2ndgeneration #Mate #Dreame