Chapter Thirty-One

8.8K 234 1
                                    

Nakakalula sa pakiramdam ang nararamdaman niya ngayon.

Opisyal na nobya na siya ng isang  Jamiel Dornan.

Hanggang ngayon naalala pa rin niya ang halik nito sa kanya,mabilis lang yun at hindi na naulit pero damang-dama pa rin niya ang epekto nun sa kanya.

lalo na nang magising siya kinaumagahan sa suite ng binata na magkayakap sila ng binata sa kama nito.

Napakasarap sa pakiramdam niya na makulong siya sa mainit na mga bisig ng binata,nang kanya nobyo.

Pumasok siya ng maaga. Gusto niya lang na maaga siya na nasa malapit lang siya ng binata kahit na hindi sila nagtatagpo nito. Sapat na sa kanya na na nasa iisang lugar sila.

"Is Jamiel is here?"

Natigilan siya sa pagliko patungo sa quarters nila ng marinig niya ang pangalan ng nobyo mula sa isang babae. Nilingon niya ang babae nagsambit niyun.

Isang babae mala-modelo ang datingan ang kausap ng receptionist ng hotel.

"Wait lang,Ma'am,tatawagan ko lang po secretary niya.."

"Okay,tell him,na si Chloe ang naghahanap sa kanya...I'm soon to be his fiancee.." maarte nito sabi na may pagmamalaki pa.

Natulos siya sa kinatatayuan niya. Pinasadahan niya ng tingin ang babae na Chloe daw ang pangalan.

She look like a model parang pamilyar nga ang mukha nito.

"Uh,okay po ma'am..sandali lang po.."

Agad na tumalikod siya ng mapabaling sa kanya ang babae.

Bagsak ang mga balikat niya na tinahak niya ang quarters nila.

Napasandal siya sa pader at paulit-ulit na nagreplay sa utak niya ang narinig niya mula sa Chloe iyun. Soon to be his fiancee.

Parang bigla may dumaklot sa puso niya. Masakit iyun.

Dapat naisip niya na may babaeng na nababagay kay Jamiel tulad ng Chloe iyun.

Pero gusto ka niya maging nobya,ibig sabihin wala siya relasyon sa Chloe yun! Palag ng isip niya.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Dapat na ata niya isipin kung saan siya dapat lumugar mula ngayon.

Walang-wala ang itsura niya sa itsura niya sa Chloe iyun.

She sighed.

Nagsisimula pa lang sila ni Jamiel at mukhang matatapos na agad iyun.

Pinigilan niya na maiyak.

Agad na umayos siya ng makita may paparating na katrabaho. Pilit ang ngiti na tinugon niya rito ng batiin siya nito.

Okay,Mandy...magtrabaho ka na lang ,wag muna isipin iyun.

Pilit niya pinasigla ang sarili para sa pagsisimula niya sa trabaho sa araw na ito.

Sana lang hindi siya saktan ng sobra ni Jamiel. Mas makakabuti kung sasabihin nito agad sa kanya ang tungkol sa Chloe iyun.

Kagat-kagat niya ang pang-ibaba labi para pigilan ang mapaiyak .

Don't cry,Mandy! Be brave!

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon