Ayaw sana niya mag-isip-isip pa ng kung ano-ano. Kahapon agad na umuwi siya pagkatapos ng trabaho niya. Nadatnan niya si Amore na paalis naman na hindi niya alam kung saan nagpupunta .
Nagtataka ito napatingin sa kanya pero wala naman sinabi. Nakahinga lang siya ng maluwag na hindi tinangka ng binata na puntahan siya.
Iniisip mo ba talaga na lagi ka niya naiisip? Anang ng isip niya.
She sighed. Kung kahapon nakaiwas siya ngayon hindi. Schedule niya sa paglilinis sa penthouse nito.
Hindi naman niya pwede ipasa sa kasamahan dahil hindi iyun gusto ng binata,naalala niya na tumawag pa ito sa front desk kung bakit siya ang nandun.
She sighed. Bakit ba siya umiiwas?
Hindi ba dapat magkatapatan na sila habang maaga pa?
Tama,mas maganda kung maagapan niya ang nararamdaman para sa binata.
Because she's already fell in love with him. Hindi na simple pagkacrush lang yun. Mahal na niya ito.
Marahas siya napabuga ng hangin.
Inihanda na niya ang sarili na magkausap sila ng binata. May karapatan naman siguro siya magtanong dahil magkasintahan naman sila.
At may karapatan ka din magselos!
Hindi na siya nag doorbell. Ginamit niya ang key card na binigay sa kanya ni Jamiel.
Wala sa loob ang binata. Baka maaga ito umalis o di naman kaya maaga sila nagkita ng soon to be fiancee nito.
She sighed. Tama na,Mandy. Magtrabaho ka na lang.
Inuna niya linisin ang banyo tangka bubuksan niya ang pintuan niyun ng bigla iyun bumukas at napatili siya ng sumulpot doon si Jamiel na tanging towel lang ang suot. Agad na tumalikod siya rito.
Nag-iinit ang mukha niya sa pagkapahiya.
Natakpan niya ang mukha gamit ang mga palad niya.
"S-Sorry! H-hindi ko a-alam na n-nasa banyo ka.."
Natigilan siya ng pumalibot sa kanya ang mga braso ng binata. Mainit ang singaw ng balat nito na nakayakap sa kanya.
"Hindi kita nakita kahapon..I'll miss you,Mandy..." anas nito sa gilid ng ulo niya.
Naipikit niya ang mga mata. Bigla nabura ang negatibo emosyon na kumulukob sa kanya. At ang isa na lang ang bumabagabag sa kanya ang bagay na nakadikit sa likuran niya.
Stop it,Mandy!
"M-magtatrabaho pa ko,J-Jamiel.." nauutal niya saad.
Humugot ito ng malalim.
"Let me dress first and we talk.." mariin nito saad.
Hinalikan muna nito ang gilid ng noo niya bago siya nito pinakawalan.
Mag-uusap sila? Sasabihin na ba nito ang tungkol sa Chloe yun? Makikipagbreak na ba agad ito?
Nakagat niya ang pang-ibaba bibig para pigilan na mapaiyak.
Ito ang tama na mangyari. Makapag-usap sila ng tapatan.
BINABASA MO ANG
Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#AlphaWerewolf #Family #Romance #2ndgeneration #Mate #Dreame