Chapter Fifthy

8.7K 197 6
                                    

Ilang araw nang nagigising siya na wala sa tabi niya si Jamiel. Nagigising din siya ng hatinggabi na wala na sa tabi niya ang kasintahan. Sa rest house na ito natulog kaysa sa penthouse nito. Minsan isang beses hinanap niya ito nang magising siya isang gabi na wala ito sa tabi niya.

Hindi niya ito nakita sa penthouse nito at sa opisina nito. Ayaw niya mag-isip ng negatibo. Mahal siya ni Jamiel kaya hindi siya nito lolokohin. Hindi ganun si Jamiel.

Wala siya sa sarili na pumasok sa hotel kinabukasan nang muli hindi niya ito nakita.

"Nakita ko si Sir Jamiel na may kasamang babae kagabi.."

Bigla siya natulos sa kinatatayuan niya ng marinig ang pag-uusap mula sa loob ng cubicle ng restroom. Nag-uusap ang mga ito habang nasa loob niyun.

"Sinong babae? Hindi ba yung housekeeper?"

"Hindi..ako ang nagbook ng suite niya rito at maganda siya!"

Naninikip ang dibdib na agad siya pumasok sa bakanteng cubicle ng marinig na lalabas na ang isang babae. Sumilip siya sa siwang. Ang mga bagong empleyado ng hotel.

"Talaga? Kawawa naman siya,sabagay gwapo naman kasi si Sir Jamiel lapitin ng mga tukso sa paligid..marami talaga mga babae guest dito na mas maganda sa kanya.." turan ng pangalawa babae.

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak.

Huwag ka muna maniwala hanggat hindi siya ang nagsasabi sayo! anang ng isip niya.

Hindi na siya nakapatrabaho ng maayos,nagdahilan na lang siya na masama ang pakiramdam sa head nila kaya maaga siya umuwi.

Malaki ang epekto sa kanya ng mga narinig niya. May ibang kasama babae si Jamiel.

Baka naman si Amore!

Nakacheck in sa hotel hindi magchi-check in sa hotel si Amore..kontra niya sa kanya isip.

Nabalot ng selos at galit ang dibdib niya ng maalala niya muli ang mga narinig niya.

Mag-uusap sila. Masakit man kailangan magkausap sila.

Ngunit lumipas ang ilang araw pa ay hindi na sila nagkausap ng binata. Nahihiya siya lumuwas para tanungin kay Sana'a kung nasaan na ang kambal nito. Ugali naman nito magpaalam ngayon bigla na lamang ito umalis na walang pasabi.

Puno na ng hinanakit ang dibdib niya. Bakit bigla nagbago ang binata sa relasyon nila? Ano bang nangyayari?

Paulit-ulit na nagrereplay sa kanya ang naganap sa kwarto ng kasintahan ang muntikan na may mangyari sa kanila.

May gusto ito ipahiwatig ito sa sinabi nitong bago na may mangyari sa kanila dapat matanggap muna niya ito ng buong-buo.

Hindi niya maunawaan iyun. May inililihim ba ito sa kanya?

Gulong-gulo na ang isip niya. Hindi magiging malinaw sa kanya ang lahat hanggat hindi sila nagkakausap ng kasintahan.

Naikuyom niya ang mga palad. Kasama pa din ba nito ang babae nakita kasama ng kasintahan niya?

Nanikip ang dibdib niya. Tuluyan ng tumulo ang masaganang luha sa kanya mga mata.

Jamiel...

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon