Chapter Twenty-Three

9.8K 249 0
                                    

Mariin niya pinindot ang doorbell ng silid na inookupa ng lalaking baliw na nanakit kay Mandy.

Kung hindi niya agad na narinig mula sa malayo ang nanginginig na boses ni Mandy baka malamang natuloy na ang balak ng lalaki na gawan ng masama ang dalaga.

Bumukas ang pintuan at madilim ang mukha ng lalaki dahil sa pang-iistorbo niya rito.

Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi niya. Agad na nakilala siya nito.

"I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?! Ikaw ang tumulak sakin kanina ah!" angil nito sa kanya.

Nalukot ang ilong niya nang makaamoy siya ng hindi niya gusto maamoy.

"Alam mo bang pwede kita isuplong sa mga pulis yang paggagamit mo ng pinagbabawal na gamot dito sa hotel?"

Nanlaki ang mga namumula na nito mga mata.

Lumaki ang pagngisi niya sa panghuhuli niya rito.

"Wala kang patunay! Umalis ka na!" singhal nito sa kanya.

Maagap niya pinigilan ang tangka nito pagsara ng pintuan. Nabigla ito sa ginawa niya at mabilis na pumasok siya sa loob ng silid nito.

"Umalis ka na kung ayaw mo pagsisihan na pumasok ka rito! Pakielamera!"

Tumatawa na humarap siya rito.

"Akala mo ba natatakot ako sayo?   Hindi..isa ka lang tao...isang mahinang nilalang.."

Nanlisik ang mga mata nito.

"Fuck you,woman!" singhal nito sa kanya.

Napaigik ito ng walang kurap na isalya niya ito sa pader. Sinakal niya ang leeg nito gamit lang ang isang kamay niya.

Nanlalaki ang mga mata nito gulat na gulat. Pilit ito kumakawala sa kanya.

Deretso tumitig ang kanya mga mata na ngayon ay kulay puti na. Halos lumuwa ang mga mata ng lalaki sa nakikita nito pagbabago ng kulay ng mga mata niya.

"Magmula ngayon,kakalimutan mo na ang tungkol kay Mandy at pagsisisihan mo ang mga bagay na ginagawa mo...susuko ka sa pulis at aamin na sa kasalanan mo..." usal niya habang hinohipnotize niya ang lalaki.

Natigil sa pagkislot ang lalaki at tila walang buhay na natulala sa kawalan.

Binitawan niya ang leeg nito at tila lantang-gulay na bumagsak sa sahig.

"Magpasalamat ka at pinigilan ko si Jamiel dahil kung hindi  malamang umaagos na ngayon ang mabaho mo dugo sa sahig..." mariin niya saad.

Nilingon niya ang coffee table sa salas at nakita niya ang mga ginamit nito sa pag-aadik.

Dinukot niya sa kanya bulsa ang kanya celpon at nagdial ng emergency call nang matapos niya isumbong sa awtoridad ang tungkol sa lalaki iniwan na niya ito na tulala pa rin. Pagdating ng mga pulis saka lang makakabalik sa katinuan ang lalaki ayon sa kalkulasyon niya sa paghihipnotismo niya rito.

She sighed.

Ang mga tao talaga masyadong mapupusok at pag-aalinlangan na sinasayang ang kanila mga buhay sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Sila mga lahing lobo na gustong-gusto mamuhay bilang mga tao pero silang mga tao wala pakundangan na sirain na lamang nila ang kanila mga buhay.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Ang mga tao nga naman. Iiling-iling na sumakay na siya ng elevator.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon