Chapter Fourthy-Nine

8.6K 215 2
                                    

"Okay lang ako mag-isa dito,sige na,bumaba ka na ulit.." pagtataboy niya rito.

Hinila siya nito at walang ano-ano sinakop nito ang bibig niya.

She gasped. Napakapit siya ng mahigpit sa leeg ng kasintahan ng palalimin nito ang halik. Nalalasahan niya ang Rose wine sa bibig nito at para siya nalalasing sa lasa niyun.

Napaungol siya sa bibig nito ng buhatin siya nito at umupo ito sa dulo ng kama na hindi naghihiwalay ang kanila mga labi.

Nakaipon na ang laylayan ng dress niya hanggang sa beywang niya. Napasinghap siya ng gumapang ang bibig ng kasintahan pababa sa leeg niya.

Dinama niya ang malapad at matigas na dibdib ng kasintahan. Umungol ito at tila may himig na sumisingasing na mabangis na hayop.

Napapikit siya ng mariin ng maramdaman ang mga daliri nito sa pagitan ng mga hita niya. Nakaluhod ang magkabila niya tuhod sa magkabila gilid ng binata.

"J-jamiel.." daing niya.

Muli sinakop nito ang bibig niya na puno ng kapusukan. Napakapit siya sa balikat ng binata ng maramdaman ang hindi pamilyar na sensasyon pero masarap sa pakiramdam.

"J-jamiel..."nakaawang ang bibig niya daing.

" Mandy..."paos na usal ng kasintahan.

Dumilat siya ng huminto sa paghalik ang binata. Napakadilim ng mga mata nito. Puno iyun ng pagmamahal at pagnanasa.

"I...I have to stop..." tila nahihirapan nito saad.

Hinaplos niya ang maligasgas na panga at pisngi ng kasintahan.

"O-okay lang..." nahihiya niya saad na may halong pagkadismaya.

Ikinulong nito ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito.

"Gustong-gusto kita angkinin,Mandy...pero..gusto mangyari yun na tanggap mo ako ng buong-buo..."

May nahihimigan siya pagkabahala sa tono nito.

"M-mahal kita,Jamiel..k-kung gusto mo g-gusto ko din.."

Pinagdikit nito ang mga noo nila.

"Mahal na mahal din kita,Mandy...pero hihintayin ko ang tamang pagkakataon para sa bagay na ito.."

"Nauunawaan ko,Jamiel..."

Muli nito sinakop ang bibig niya.

Tiim-bagang at mariin na nakakuyom ang mga palad niya nang lumabas siya ng kwarto.

Muntik na siya mawalan ng kontrol sa sarili. Kung hindi niya napigilan ang sarili malamang walang kahirap-hirap na inangkin na niya ang dalaga.

Marahas siya bumuga ng hangin. Nasa harapan siya ngayon ng bagong metal na kulungan.

"Jamiel..." pukaw ng kanya ina.

"Mom..."lingon niya rito.

"Anak,Kailangan mo ng harapin ang magiging sagot niya tungkol sayo habang maaga. Ngayon nagtagpo na kayo mas mahihirapan ka ..manghihina ka,anak..hindi manunumbalik ang lakas mo hanggat hindi niyo naisasakatuparan ang ritual.."

"Mas lalakas iyun ngayon nagtagpo na kayo..." dagdag pa ng ina.

Sa tingin niya kakayanin naman siya ng metal na kulungan ito na mas doble ang tibay kaysa sa una na nasa basement nila.

Thanks to,Dra.Amore.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon