Malaki ang pinagpapasalamat niya sa Diyos na sa wakas ay nagawa na niya makalayo sa pamilya ng nagkulong sa kanya sa loob ng maraming taon.
Nagtrabaho siyang kasambahay sa pamilyang Torres bilang pagbabayad ng utang nang masunog ang inuupahan nilang pwesto sa itinayo nilang groceries. Hindi nakaligtas ang kanya magulang sa sunog. Nagsasara na sila nang mangyari iyun. Hindi malinaw kung bakit nasunog ang groceries nila.
Nagtamo siya ng 3rd degree burnt sa kanya kaliwang braso. Isang mapait na alaala.
Hinaplos niya ang kaliwang braso na natatakpan ng mahabang manggas na sweater.
Tinatangay ng mabining hangin ang hanggang balikat niya buhok mula sa karagatan. Pinapanuod niya ang paglubog ng araw.
Mabuti na lamang natanggap siya bilang housekeeping sa Dalia Hotel and Resorts. Bukas na siya magsisimula. Problema niya ngayon kung saan siya hahanap ng matutulugan sa mga susunod na araw. Paubos na ang pera na naipon niya at naibabayad niya iyun sa inuupahan niya kwarto sa isang motel sa bayan.
Napadpad siya dito sa Aurora dahil akala niya may mga kamag-anak siya malalapitan.May kahirapan din ang buhay dito sa probinsiya ng kanya ina kaya malabo na may makatulong sa kanya kamag-anak.
Paano kaya kung mag-advance siya ng sahod?
Pero kakatanggap lang sayo? Kontra ng kanya isip.
Kailangan ko kapalan ang mukha ko kung hindi sa bangketa ako matutulog sa mga susunod na araw.
Marahas siya napabuga ng hangin.
Sana payagan siya ng boss niya. Kapit ka lang,Mandy..malalagpasan mo ulit itong bagong pagsubok mo para sa bagong buhay.
Kumagat na ang dilim. Balot pa rin siya ng pag-aalala kung papaano na siya sa mga susunod na araw.
Kinabukasan,maaga siya pumasok sa Hotel. Agad na inassist siya ng kanya magiging head ng housekeeping department at pinakilala sa iba pang nagtatrabaho bilang housekeeping sa hotel.
"Ms.Rodriguez.." tawag sa kanya ng head nila.
Agad na lumapit siya rito.
"Ma'am?"
"Ito ang susi na lilinisin mo ngayon araw...ikaw ang ipinalit ko sa housekeeper na umalis na regular na naglilinis sa penthouse ni Mr.Dornan.."
Nanlaki ang kanya mga mata.
Ang boss nila agad ang unang pagtatrabuhan niya.
Pagkakataon muna gawin yung plano mong advance na sahod! saad ng isip niya.
"Sige po,Ma'am..ako na po bahala.."
"Make sure na mag-iingat ka sa pagkilos mo dun...boss natin yun,bago ka pa lang dito kaya dapat lang na magpaimpress ka.." may pagkaistrikta nito saad.
"Yes,Ma'am!" may himig na tuwa saad niya.
Mukhang sinuswerte na siya ngayon.
"Ano ba yan?! Ang baguhan ang nilagay niya dun? Matagal na tayo dito naungusan pa tayo ng bagong salta dito!" mariin na saad ng isang babae.
Nilingon niya ang mga ito at masama ang tingin sa kanya. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at pinagpatuloy na lamang niya ayusin ang mga gamit na kailangan niya dalhin sa trolley.
Nakapagtapos siya sa kursong HRM kaya kahit walang experience maganda ang records niya kaya nakuha siya agad kahit itong position lang ang bakante. Hindi naman siya maarte sa trabaho. Sanay siya magtrabaho ng mabibigat.
Maraming taon siya inalipin ng mga Torres iyun. Nagbayad siya sa isang hindi sinasadyang kasalanan .
She sighed. Dapat na niya kalimutan iyun nagbabago buhay na siya ngayon. Malaya na siya sa pamilya iyun.
BINABASA MO ANG
Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#AlphaWerewolf #Family #Romance #2ndgeneration #Mate #Dreame