Chapter Fourthy-Eight

8.8K 225 5
                                    

Napapangiti siya sa harapan ng full-length mirror habang pinapasadahan niya ng tingin ang sarili.

Suot niya ang napakaganda at napakalambot na dress na binili sa kanya ni Jamiel. Midnight-blue ang kulay niyun na mahabang manggas na maganda ang design dahil sa laces. Hapit iyun sa katawan niya,V-cut ang pagkakatabas niyun sa likuran,concervative ang harapan but sexy at the back...at ni sa panaginip hindi niya inasam na makapagsuot ng ganito kagara at kalambot na kasuotan.

"Wow...ako ang pumili niyan,hindi alam ni Jamiel kung anong klase damit ang binili ko sayo.." anito na pumasok sa kwarto ni Jamiel. Nauna siya lumuwas ng Maynila kaya ngayon gabi lamang sila magkikita ng kasintahan.

"Uhm,salamat..first time ko lang makasuot ng ganito kagandang kasuotan.." nahihiya amin niya rito.

Masuyo na nginitian siya nito ay inayos ang pagkakawave ng buhok na lagpas balikat na.

"Alam mo bang akala ko ako lang ang babae na sweet sa lahat ng bagay...at ngayon alam ko na mayroon pa pala..  ikaw ang nakahigit sakin sa bagay na yun.."

Kinuha nito ang left arm niya at hinaplos nito ang braso niya na may markang ng mapait niya nakaraan.

"Hihintayin ko ang oras na ibalik namin sayo ang kinuha ng nakaraan mo,salamat sa pagmamahal mo kay Jamiel. Sana kahit anong mangyari,wag mo siya iiwan.."

"Siya na ang buhay ko ngayon,Sana'a..salamat din sa inyo kay Tita at Tito..naranasan ko muli magkaroon ng magulang tulad nila.."

"Parte ka na ng pamilya namin,Mandy.."

Ganun din ang sinabi ng kakambal nito na parte siya ng pamilya ito.

Masaya na nginitian niya ito.

"Hey,Ladies..."

Sabay sila na napadako sa pintuan.

"Wow,gwapo natin ngayon ah!"paghalik dito ni Sana'a.

"See you later,guys!" paalam na nito.

Kinakabahan na hinintay niya makalapit sa kanya ang kasintahan na sobra namiss niya.

"You are so beautiful,Mandy.." mangha nito saad.

"Salamat,ang gwapo mo din,uhm,lagi naman.."nahihiya niya pa saad .

Napagwapo nito sa suot nito three piece suit.

Hinapit siya nito sa beywang niya.

" I miss you and I love you.."usal nito bago nito sinakop ang bibig niya.

Madamdamin na tinugon niya ang halik ng kasintahan.

"May dalawang Linggo na lang bago muli sumapit ang ikatlong buwan.." anang ni Debbie sa Ate Amelia niya habang nakamasid sila sa kay Jamiel at sa kasintahan nito na masaya nakikipagkuwentuhan ang magpipipinsan.

"Kailan niyo sasabihin sa kanya?" aniya.

"Gusto ni Jamiel na gawin sa pamamaraan niya ang tungkol dun,Debbie..."

"Kung kailangan ng back up,we're here,Ate Amelia.." anang ni Veron.

"Salamat sa inyo mga kapatid ko,aagapay din ako kapag ang mga anak niyo naman ang nasa ganito sitwasyon din.." saad ni Amelia sa kanila magkakapatid.

Pinipilit niya na hindi mahiya sa harapan ng mga pinsan ni Jamiel. Ang gagwapo ng mga ito. Pati ang mga kapatid ni Tita Amelia ,ang gaganda at kagagwapo din ng mga napangasawa ng mga ito.

She sighed. Napaigtad siya ng haplusin ni Jamiel ang likuran niya na litaw sa kasuotan.

"You tired?" anito.

Napuna nito tahimik sya at malalim ang iniisip. Nginitian niya ito.

"Pagpahingahin mo na siya,Jam.." anang ng isa nito pinsan na napuna niya na hindi palaimik.

Iiling sana siya pero sumang-ayon si Jamiel.

"Nakakahiya kung mawawala ako...?"

"Ako na bahala magsabi kina Mom at Dad.." agapay sa kanya ng binata.

Tumango na lang siya. Medyo pagod na din naman siya.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon