Chapter Twenty-One

9.7K 265 5
                                    

Magkasabay sila pumasok ni Amore sa Hotel pero hindi niya ulit ito nakita maghapon.

Pabalik na siya sa quarter nila ng bigla may humarang sa tinutulak-tulak niya trolley.

"Nandito lang pala kita makikita.."

Agad na kinalibutan siya ng marinig ang pamilyar na boses iyun. Nanlalaki ang mga mata ng masilayan ang pagmumukha ng anak ng mag-asawang Torres.

Nakangisi ito sa kanya.

"A-anong g-ginagawa mo dito?"may nginig niya saad.

" Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap pa din kita,Mandy..."

Umatras siya. Wala siya ibang gusto gawin kundi ang lumayo sa baliw na lalaki iyun.

Napaigtad siya ng hablutin naman nito ang braso niya.

"Saan ka pupunta ha?!"angil niya rito.

Malakas na tinulak siya nito sa pader at bago pa man ito makadikit sa kanya malakas na itinulak niya ito.

Ngunit hindi pa man siya nakakalayo rito muli siya nito nahablot.

" Bitawan mo ako!"pagpalag niya rito.

Tila bakal naman ang mga kamay nito na nakahawak sa magkabila braso niya.

"Ano ba?! Bitawan mo ako!!!"piglas niya.

"Bitawan mo siya,baliw ka!!!"

Napaigtad siya ng tumalsik ang lalaki. Nanginginig ang mga kamay na natutop niya ang bibig.

"Okay ka lang ba,Mandy?!" si Amore.

Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng kaibigan nang makita susugurin nito ang lalaki na nawalan na ng malay pagkatapos bumagsak nito sa sahig.

"Halika..." hinila siya ni Amore sa kung saan.

Nanlalaki lang ang mga mata niya na nakatitig sa lalaki na wala pa rin malay.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang baso na binigay ng kaibigan.

Gusto niya tanungin kung bakit sa penthouse siya dinala nito pero nanginginig pa rin siya sa nangyari kanina.

"May masakit ba sayo?" pukaw ni Amore sa kanya.

Walang imik na umiling lang siya. Wala siya lakas para magsalita.

"Mabuti pa magpahinga ka na lang muna dito..."

"B-bakit dito?" sa wakas usal niya.

Amore sighed.

"Basta dito ka lang muna..." mariin nito saad.

Iniwan siya nito roon mag-isa. Baka anong isipin ng Sir Jamiel nila na nandun siya.

Saka bakit nakakapasok rito si Amore na walang pahintulot mula sa boss nila?

Sino ba talaga si Amore?!

Namalayan na lamang niya na humihikbi na siya.

Natatakot siya sa lalaki iyun. Isang baliw na gusto siya gawan ng masama.

Pinanginigan siya muli ng katawan ng maalala ang mga eksena na gusto siya gawan ng masama ng baliw na lalaki iyun.

Akala niya hindi na siya guguluhin nito pero mukha hinanap talaga siya nito.

Mamatay muna siya bago ito magtagumpay na maagaw siya.

Nanghihina na unti-unti siya nahiga sa sofa. Wala siya lakas sa sobrang takot niya kanina.

Takot na takot siya.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon