C69: The Last Conversation with Dashed.

3.1K 99 30
                                    

69: The Last Conversation with Dashed

"Mommy, please... promise po, kapag nakarating na ako diyan, saka na po ako magpapaliwanag..." halos magmakaawa ako kay Mommy habang kinakausap ko siya.

I'm still crying for Pete's sake. Kitang-kita ko ang pagtatakha sa kanyang mukha dahil out of nowhere, gusto ko nang bumalik ng Spain at doon na lang ulit mag-aral.

"Bronywn, anak... ano ba talagang nangyari?" bakas sa tono niya ang pag-aalala pero hindi ko na makontrol ang mga hikbi ko.

Ang sakit kasi. Ang sakit-sakit.

"I don't want to be here anymore..." sa kahuli-hulihang pantig ng sinabi ko, doon na ako tuluyang napahagulgol ng iyak.

I felt so drained. The pain is too much I just want to be with my family right now.

"Is this something to do with Dashed?"

When I heard that name, my eyes automatically closed. Oh, God. When will this pain end?

Natahimik ako kaya alam kong alam na ni Mommy. She wanted to ask. Pero alam kong alam niya na hindi pa ako handa para sagutin ang mga iyon ngayon dahil sa sitwasyon ko.

"I'm going to fix your papers as soon as possible," Mommy said after a deep sigh. "Wala ng pwedeng manakit sa'yo, anak... Just stay here with us, alright?"

I sobbed when I saw her crying too. I should have listened to my brothers. Sana noong sinabi nilang masyado pa akong bata para sa pagmamahal, nakinig na ako. Then maybe, I wouldn't be in this situation. Sana masaya ako.

Sana hindi ako nasasaktan.

"Thank you, Mommy..."

And then, in just a flash, that's it. I'm leaving for good.

My hermanos wanted to rush here when they found out about the breakup between me and Dashed. But I've tried my best to stop them. I said it was too late. I won't see him again anyway because I'm going back to them.

Hindi na niya ako masasaktan.

Hindi na niya ako magagawang paiyakin, lalo na kapag nakaalis na ako ng bansa.

I was busy packing my things when I heard a series of doorbells from outside our house. Manong Berto and Manang Suzan were not home because they went to town for groceries, so I had no choice but to stand up and see who it was.

Malakas ang buhos ng ulan kaya kailangan ko pang kumuha ng payong bago lumabas. Dahan-dahan ang mga hakbang na ginawa ko. Pero napatigil ako nang maaninag ang pamilyar na Lamborghini na nakaparada sa tapat ng bahay namin...

At ang lalaking parang walang buhay na nakaluhod sa harapan ng gate, sumisigaw, umiiyak, humahagulgol.

"Bronywn! Lumabas ka diyan! Please! Nagmamakaawa ako! Kailangan nating mag-usap!"

Napatakip ako sa bibig ko.

Gods. Is he drunk? Why is he out in the rain?! Doesn't he have an umbrella?!

Dali-dali kong binuksan ang gate namin at tumakbo papunta sa kanya. It's been six days since the last time I saw him. Gusto kong maiyak nang makita kung gaano kamiserable ang kanyang itsura ngayon.

Pero hindi.

He won't break down the walls I built around my heart. Never again.

Alam ko naman ang mga ginagawa niya para sa'kin. Ang pagpunta niya rito araw-araw, ang pagmamakaawa niyang makausap ako, ang pagsusulat niya sa'kin ng mga notes sa school.

Baka nga wala pa siyang alam tungkol sa pag-alis ko. Not to mention that I will leave on the exact day of his engagement party with Seirra.

"Baby..." his eyes filled with tears again. I wanted to scold him. Shout at him. Curse him. What has he done to himself?

He looks like a complete mess.

Parang hindi si Dashed Calderón de García ang kaharap ko ngayon.

"What are you doing here, Dashed?" I looked at him, wearing my mask. I'm trying to show that the Bronwyn he fooled is dead. Here I am now. Wala ng pakielam. The pain he caused me made me this numb. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil tapos na tayo."

Pain crossed his face. He bit his lip. I looked away as tears continued to stream down his cheeks. "I can't bear not having you by my side, Brownyn... I'm begging you... pwede pa naman nating ayusin diba?  We can still do it. We can still make it work..." lumuhod siya sa harapan ko.

Humagulgol. Nagmakaawa.

"You hurt me not only once but twice, Dashed. Isn't that reason enough to let go of whatever we have?" I'm trying hard to get a grip of myself as I stared at him coldly. "You told me before... you'd never hurt me again. I believed you. I trusted you! Pero ano 'tong ginawa mo sa'kin? Nasaaan na iyong sinabi mong 'yon? Nakalimutan mo na ba?" napangiti ako nang mapait. "Ang bilis mo naman pa lang makalimot."

He bowed his head at that point. It's as if my words drained him of hope. At parang nahihiya na siyang tignan ako ng diretso sa mga mata. "H–Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?"

"You know it will take a long time for these wounds you inflicted on me to heal, kaya tumayo ka r'yan. Kahit ano pang gawin mo, you will never win me back," I tried to stare him down. Sapilitan ko siyang itinayo. Kitang-kita ko ang panghihina sa mga mata niya pero hindi, hindi ako pwedeng madala. "You already destroyed my heart, Dashed. What else do you want?"

My tears exploded. Nakakapagod na. Paulit-ulit na lang.

"I'm sorry..." he scratched his face. He's soaking wet from the rain. But even so, I still made an effort to shelter him with my umbrella. "If I knew this was going to happen... I should have stayed by your side. I shouldn't have left. Kasi Bronywn, bawat araw na lumilipas... doon ko mas napapatunayan na hindi ko pala kaya nang wala ka..."

"I wish you thought of that before you made your decision. Ang selfish mo kasi. Ni hindi mo ako tinanong kung handa ba akong ipaglaban ka. Tayong dalawa. You didn't trust me. You only believed in yourself. Ano'ng nangyari, Dashed?"

Natahimik siya kaya gamit ang isa kong kamay, tinulak ko siya nang bahagya. Unti-unting umusbong sa akin ang galit. "Sagutin mo ako! Anong nangyari sa ating dalawa?! Sa relasyon natin?!"

Pumikit siya. Tinanggap lahat ng pagtulak ko. Nanatili rin siyang walang imik kaya ako na mismo ang sumagot sa tanong ko.

"You lost me, Dashed! Did you really think you saved me from danger?" I shook my head. My expression was stern. I kept my gaze fixed on him. "You just proved to me that you're not worth it. I don't deserve any of this! I only loved you! But you? All you did was hurt me!"

His shoulders were shaking. I could hear his sobs clearly despite the thunderstorm.

Pero wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi galit. Sakit. Pagsisisi.

"I wish I never met you."

He cried harder.

"I wish I never gave you a second chance if you were just going to waste it."

Another sob came out of his mouth.

"Sana hindi na lang kita minahal."

Tanggapin mo lahat ng 'yan, Dashed.

Umiyak ka. Tama 'yan. Magsisi ka sa mga kagaguhang ginawa mo sa'kin.

Dahil pagkatapos ng gabing ito, hinding-hindi mo na ulit ako makikita.





———————————————————————————————————————————————

The next chapter will be the last chapter, guys! Salamat sa lahat nang nagbasa't nag-abang sa story na 'to ;))

God bless!

In a Relationship with Dashed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon