Chapter 16 - Play

1.1K 11 2
                                    

"Papunta palang me! Paupdate naman teh kung anjan na Prof natin!!!" sigaw ni Denille kay Anna.

Nag mamadali na kaming pumunta sa school , sinundo pa kase ako ni Denille kaya na'late kami, tapos late pa ko nagising. Nauna na si Anna kase sinundo siya ni Dylan.

"Te. Dito na si Prof.!!! Tengcoboomboompow!"

Ang lakas ng boses ni Anna. Kaya rinig na rinig ko. -___-

"OMG teeeeeehhhhh pakshet! Malapit na meeeee!!!!!"

"Ok go teh. San ka na niyan?"

"Malapit na sa may bldg natin!"

"Teh lumipad ka naaaaaaa!!!!"

Hinila ko yung kamay ko mula sa pag kakahawak ni Denille. 

"Bakla ma una ka na lang muna. Sige na go!"

Hingal na hingal na 'ko , kanina pa kami tumatakbo at ilang beses na din akong nadadapa eh. 

"Are you sure?" papanigurado pa niya.

"Deadly sure! Gora na.." 

Saka siya tumakbo paalis. Ang bilis niya. May lahing kabayo talaga.

Umupo muna ako sa tabi. Maraming upuan dito sa University na 'to. Marami kaseng puno. Muka nga siyang garden kaysa sa school. Yung mom kase ni Anna nature lover.

Pinikit ko yung mata ko. Inaantok pa kase ako. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakatuog kagabi, basta pag gising ko nakahiga na 'ko sa kama at wala na si Batman. Nasaan na siya? Malay ko, bahala na si Batman!

Nakapikit lang ako ng may biglang tumawag sakin..

"Hey."

Dinilat ko yung mata ko. Si Dylan nasa harap ko.

"Oh?" tipid kong sagot. Inaantok pa kase ako at pag inaantok ako ang sungit ko.

"Hindi ka pa aakyat?"

"Maya maya na.."

"Its already 8am."

"Oh?" matipid ko ulit na sagot.

"Lets go?"

"Okay" 

Tahimik lang kaming umakat. Hindi ko feel makipag usap sakanya. Moody kase akong tao. Pero ba'y nga ba kasabay ko tong si Dylan diba kanina pa sila pumasok ni Anna?

"Bakit late ka?"

"Eh late ako eh"

"Kala ko ba sabay kayo ni Anna"

"Hindi kami sabay"

"Ba't sabi niya?"

"Sabi niya lang"

Psh! Okay. Malayong malayo papatunguhan ng pag uusap namin eh.

Pag pasok namin ng room, maraming nag titnginan samin na para bang naka gawa kami ng krimen. Nakatungo lang ako at eto namang si Dylan heads up pa.

"Goodmorning Sir. Sorry we're late." sambit ko habang nakatungo.

Buti na lang Speech Communication first sbject namin ngayon, si Sir Xandrew  ang prof. , mabait, hindi masungit and most of all ... POGI!!!

Oooops. I know prof. namin siya pero kaka'graduate niya pa lang naman eh. ^_^

"Its okay. Take your seat.."

Umupo ako sa pwesto ko. Nagulat na lang ako kase hindi ko katabi si Dylan, isang babae katabi ko. Cute siya, morena tapos super straight ng buhok at bilog na bilog ang mata. Nginitian niya 'ko kaya nginitian ko din siya.

Searching For My Future Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon