Mira's POV
"Goodmorning babe" bungad sakin ng isang pogi, makinis at may mala'adonis na katawan na lalaki.
Anong ginagawa niya dito?
Akala ko ba matutulog na siya?
"Goodmorning." nakangiting tugon ko kahit na gulat na gulat ako.
May pagka'sweet lang din talaga tong bf ko. Kita mo tinulungan ako mag imapake at ngayon hindi natulog dahil sakin. Nakokonsensiya tuloy ako.
Nilapitan ko siya, tapos hinawakan ko yung ilalim ng mata niya. Ang laki na ng eyebags niya.
"Sorry" kasalanan ko kase kung bakit siya nag puyat.
Ngumiti lang siya, hinawakan yung kamay ko tapos hinalikan ako sa pisngi.
Kileeeeeeeeeeeeeeeg!!!
>/////<
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Psh. Bakit ba kase ang bilis ko talagang kiligin?
Kinuha niya yung maleta ko at hinatid ako papunta sa may bldg namin. Doon kase ang meeting place, pati nandoon ang bus namin.
"Hi Milagrooooo! Peeee beeeee beeeee teeeeeens?!!!" bati sakin ni Denille ng makita niya kami.
"Best friend! Naks naman ang aga aga ah ang keso!" - Anna
Hanep talaga tong mga friendship ko ang aga aga ng pang aasar. Eto ba pang almusal nila sakin?
Pa'alis na yung bus kaya nag huling habulin na tong mga friendship ko.
"Basta pasalubong ko ah" - Anna
"Ako ayos lang kahit lalaki na lang i'uwi mo sakin" - Denille
"Miss Halili aalis na tayo" - sabi ng TA namin.
"Wait lang!" sigaw ko hindi pa ko nakakapag paalam sa boy friend ko.
"Babe..."
Tumingin naman ako sa boyfriend ko, mukang malungkot siya... nalulungkot din tuloy ako.
"Mag ingat ka ah. Kumain ka ng marami. Kahit wala ng pasalubong basta bumalik ka. Baka mamaya pag balik mo may kapalit na 'ko. Umiwas ka sa mga lala--"
*tsup*
Napatigil siya sa pag sasalita. Hinalikan ko kase siya sa pisngi.
First time ko na ginawa to' sakanya kaya maiintindihan ko kung nagulat siya. Buti na lang at hindi nakatingin samin sila Denille kung hindi mahihiya ako ng sobra sa ginawa 'ko.
"Bye Vince. Wag ka mambabae ah" sabi ko sabay umakyat na ng bus.
Umupo na 'ko sa may bintana, I waved at Vince and my friends habang umaandar palayo yung bus.
Si Vince in shock parin pero nag waved back siya ng matauhan na. Tsk. Ang lakas ng impact sakanya ah. ^_^
"Ma'mimiss mo siya noh?" pang aasar ni Ping sakin.
"Adik ka Ping" natatawang sagot 'ko.
Si Ping ay si Pearl , nickname niya lang yung Ping nahawa lang ako kanila Denille kase tinatawag nilang ganun si Pearl.
"Di mo pa aminin"
"Oo na inaamin 'ko na. Mamimiss ko sila, lalo na si Vince"
Ngayon pa nga lang miss ko na siya eh.
"Ako din eh"
"Anong ikaw din?"
Don't tell me may gusto siya kay Vince?!!
"Anong iniisip mo ah? Ako din miss ko na yung boyfriend 'ko. " tumatawang sagot niya.
Phew! Akala ko may gusto din siya sa boyfriend ko eh.
"Eh blockmate lang naman natin siya ah."
"I know. Kaya nga tatabihan ko siya ngayon"
"Huh? Eh sino katabi ko?"
Hindi niya sinagot yung tanong ko, tumayo siya sa kinauupuan niya sabay pumunta sa upuan sa likod namin.
"Ei Dylan palit tayo!" sabi ni Ping kay Dylan na katabi si Christian.
"Why?" tanong ni Dylan na naka'suot ng shades kaya ang pogi niya tuloy lalo tignan.
"Because I wanna sit beside my boyfriend thats why" - Ping
"Siya palipatin mo" - Dylan
"Bro, nakatayo na siya. Makipag palit ka na" - Christian
"Oo nga! please!" - Ping
"Ayoko" - Dylan
"Please?" - Ping
"No" - Dylan
"Aw ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ata ako..." nag papangap na nahihilo si Ping.
"Bro, paupuin mo na siya. Pag nahimatay yang gf ko bubugbugin kita. Walang kaibikaibigan!" malakas na sabi ni Christian.
"Ssssssssh" sabi ng mga kasama namin sa bus.
Buti na lang talaga at sa may bandang likod kami kung hindi nasita na kami ng prof. namin.
Wala ng choice si Dylan kaya umalis siya ng upuan niya sabay pumunta sa side 'ko.
"Thanky Dy!" sambit ni Ping sabay umupo sa tabi ng bf niya.
"Ako sa bintana" sabi naman ni Dylan sakin.
Ang kapal ah!
>_<
Ako na una sa bintana pati ayoko sa ibang place imbis na lang dito sa may bintana.
"Ayoko" sagot ko.
Bigla naman niya kong hinila ako sa kina'uupuan ko sabay pwumesto siya sa may bintana.
Anak ng kikyaaaaaaaaaaaaaaaam!!!!
"Hoi ako jan!" sigaw ko sakanya.
Pero hindi niya 'ko pinapakiggan at nag suot pa siya ng earphone sa tenga niya.
Psh!
"Ano ba Dylaaaaan!" sigaw ko pa ng mas malakas.
"Miss Halili. Would you mind sitting down and stay quite? Tulog ang iba mong kasama dito sa bus. Its just 6am for petes sake" sita sakin ng TA namin.
"Sorry" sabi ko sabay upo na lang.
Aish! Kainis naman oh ang sarap sarap na ng upo ko eh.
Wala pa man din akong tulog! Kainis na seatmate 'to!
BINABASA MO ANG
Searching For My Future Husband [COMPLETED]
RomansaA story about a girl sick & tired of an on and off relationship. All she ever wanted is some relationship that'll last forever like any other girls would want. As she search for the guy who will fulfill her wish destiny keeps on playing with her. Wi...
![Searching For My Future Husband [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/1423556-64-k769197.jpg)