Chapter 54 - Lost a Friend

615 7 1
                                    

Si Dylan at si Batman ay iisa...

Si Dylan at si Batman ay iisa...

Si Dylan at si Batman ay iisa...

"Kaya mo yan Mira! Jai ho Aja Kuala lumpur Koala bear Bear brand Brand new New love Lovi poe Poe ke mon Mon day forever in a day" 

Napatingin ako bigla kay Denille na nag che'cheer sakin ngayon. Nginitian ko siya ngunit biglang nag laho yung ngiti ko ng makita ko sa tabi niya ay si Anna na kasalukuyang nakasandal sa balikat ni Dylan...

Dylan...na si Batman....

*prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrttttttttttttttttttttttt*

Sumipol na yung coach namin at tumalon na sa pool ang mga kalaban ko.

Paksyet!

Ano ba Mira! Finals mo sa PE nakasalalay dito, FOCUS! as in focusing F-O-C-U-S!!!

Tumalon na ko sa pool at nag simulang lumangoy. Nahahabol ko naman na ang mga kalaban ko, nakaka'4 laps na ko, 5 laps ang gagawin namin.

Ang sarap sa pakiramdam nung tubig...

Habang lumalangoy ako ay para bang palabas na nag re'replay sa utak ko yung nanyare last week..

Ang mga labi niya...

Dylan..

"Ouch"

Biglang sumakit yung paa ko na namamanhid na ewan, napatigil ako bigla sa pag lalangoy.

Syet!!! Pulikat!!!!

Hindi ko na kayang mag isip pa ng gagawin para makaahon....

Kinakapos na ko ng hininga.......

Pero sa loob loob ko parang gusto ko na lang matuluyan.... 

Di na ko makahinga ng maramdaman kong may humila sakin paanhon ng tubig...

Napaka blured ng mga pangyayari hanggang sa maramdaman kong may labing na dumikit sa labi ko...

"Dylan?" pag mulat ko ng mata ko ay nasa Clinic na ko.

Sinubukan kong bumangon kaso biglang may pumigil sakin.

"Angel" sambit ng isang magandang lalaki na nasa tabi ko sabay ngisi.

Biglang nanlaki yung mga mata ko.

Omg! I'm dazzled by his kapogian..

"Tiffy?!"

"Missed me?" nakangiti parin siya. Sobrang namiss ko yung mga ngiti niya. kaso may hinahanap ako.

"Si Dylan?" di ko napigilang itanong.. this past few days siya lang naman ang hinahanap hanap ko....

"Why are you looking for Dylan? Ouch Angel. Bumalik pala ako dito para pag hanapan mo lang ng lalaki" He places his hand on his chest, as if brokenhearted.

"Ai sorry. Kailan ka pa nakauwi?" sa ngayon wala talaga akong pake gusto ko lang makita si Dylan sobrang miss ko na kase siya.. i mean si Batman ang namiss ko pero kase diba iisa lang sila... alam ko iisa lang naman sila eh..

"Yesterday. I went to your dorm kaso wala ka naman"

"Ah" maikli kong sambit.... sasabihin ko sana nakatira na ko sa family ko at wala na sa dorm pero ayoko naman na mag explain pa...

"Are you okay?You looked tired angel" 

Tanong ni Tiffy sabay hawak sa pisngi ko , ngunit bago pa ko maka sagot ay biglang may kumatok sa pinto sabay bukas nito at parehas kaming napatingin sa direksyon na yun...

"Hi Dylan. Thanks for saving Angel. " bati ni Tiffy.

Hindi ako tumitingin sakanya....

Since last week iwas kami sa isa't isa...

"I wanna talk to Mira..... can you leave us alone?" sambit ni Dylan

Nooooo.... Ayoko...

"Sure" sabi ni Tiffy ngunit bago pa siya umalis ay hinawakan ko yung kamay niya.

"No.. Ayoko.. Tiffy dito ka lang please? " pag mamakaawa ko.

"Okay.. ayaw niya Dyl.Kung ano sasabihin mo sabihin mo na lang ng andito ako?" nakangiting sabi ni Tiffy kay Dylan.

Ramdam ko na tinitignan ako ni Dylan , iniiwasan ko lang yung tingin niya....

"No its okay .. next time na lang siguro" sabay umalis na si Dylan.

Ayoko marinig kung ano man sasabihin niya.. sa ngayon. After ng nanyare....

Saka ko na papakinggan ang explanation niya.....

"Earth to Mira??"

"Huh?"

"What's the matter? Kanina ka pa dyan tulala Angel...Uhm.. Sabi ng school nurse pwede ka na daw umalis dito. Lets go? Denille is waiting for you outside w/ your friends."

"okay" 

Pag labas namin ng clinic ay nakita ko agad si Denille at Ping....

"Miraaaa!!!! Ikaw babaita ka pinag alala mo kami!!!" sabay niyakap ako ni Denille

"Kanina pa kami nag aalala sayo Mira" sabay naki yakap din si Ping

Di ako makahinga sa sobrang higpit ng pag kakayakap nila.. >__<

"Si anna?" tanong ko .. madalas .. hindi lang madalas lagi kase siyang nasa tabi ko pag ganitong sitwasyon...

"Ah eh.. mira may aasikasuhin kase sila eh..." sabi ni Denille na mukang nag aalangan sabihin.

"Mag aabroad si Anna.." sabi na lang ni Ping....

"Huh? Bakit?" gulat na gulat kong tanong....

Alam ko kung bakit pero bakit pa ba ko nag tatanong..

Alam kong nakita niya kami ni Dylan that night.......

Pero umaarte siya na parang wala lang naman.....

**AN: SORRY!! IM SO SORRY! ETO LANG NAKAYANAN KO WAAAAAH!! SORRY GUYS. BUSY KASE SA THESIS. AT NAGING GC MUCH NA KO. PATI SOCIAL NETWORK NAG LILO MUNA AKO.... AHUHU. BABAWI AKO SA NEXT CHAPPY. AND EVERY WEEK NA KO MAG U'UD. OKAY? T_T

THANK YOU SO MUCH PALA KANILA : 

Mzhanna, marjean25 , JrniMhelay, ChingWilab, andriasilverio , Aineshieteru, thelmarie, wonderstrucked, KarinetteAlcantara NA NAG PUPUSH NA MAG UD NA KO. SORRY!! BABAWI AKO. ^_^ GBU. v^_^v

Searching For My Future Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon