Chapter 18 - A Friend In Need

1K 15 1
                                    

3pm.

Maaga ang uwian namin ngayon kase wala yung last prof. namin. Umuwi na si Pearl sa bahay nila, tapos si Anna nakipag usap kay Dylan.

Buong araw trending topic yung nanyare sa first subjet namin.

At ngayon na lang ako nakaranas ng katahimikan.

"Girl...." - Denille

"Yes?"

Kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang dorm.

Nakakapanibago nga kase ang tahimik ni Denille.... hindi ako sanay. -_-

"Mahal mo ba ako?" seryosong tanong ni Denille.

Psh! Ano na namang tumatakbo sa isip nito?

"Bakit?"

"Sagutin mo kase!"

"Tinatanong pa ba yan?"

"Oo..."

Huminto ako sa pag lalakad kase nasa tapat na kami ng dorm, sabay tumingin ako sakanya.. mukang seryoso yung itsura niya hindi ako sanay...

"Jhone Denille Pura Roa...."

"Yuck! Kailangan talaga full name???"

Binatukan ko siya. Psh! Panira ng moment!

"Wag ka nga magulo.. anyway oo mahal kita girl. Bakit mo sinasabi yan? Mamamatay ka na ba ah?"

"Haaaay. Girl naiiyak naman ako sayo!"

"Eh ang keme mo eh"

"Girl pwede bang favor???"

"Ano naman yun?"

"Gagawin mo ba ah?"

"Oo"

"Promising?"

"Promising."

Sabay ngumiti si Denille.

Feel ko dapat na 'kong kabahan...

"Okay girls! Come in!"

Sabay nag sulputan yung mga gay sa salon ni Denille.

Ohmy. O_O

HELP!!!!!!!

"Ang ganda mo girl. As always! Mag kamuka talaga tayo!" - Denille

"Tse"

"Teh wag ka na magalit. You're doing me a favor. Tska dapat sweet tayo mamaya."

"Sweet talaga???"

"Oo. Yun kase ang gusto ni mother nature"

"Eh kung ayusin mo kaya yang pag sasalita mo noh?"

"Yes aayusin ko na lang later.Thank you girl ah."

"Psh. May kapalit to!"

"Oo kahit ano, basta salamat talaga ah"

"Malayo pa ba tayo?"

"Oo teh eh. Malayo layo pa tayo."

"Saan nga ba ulit tayo pupunta?"

"Sa Style's Hotel teh. Bonggabells doon, kaya ganyan ang ayos mo."

"Pansin ko ngae. Para na 'kong ikakasal sa laki ng gown ko!"

"It suites you naman eh. Wag na ma'arte okay?"

May magagawa pa ba 'ko?

Psh. Papunta kami ngayon sa isang 5 star hotel para i'meet ang parents ni Denille. Mag papanggap ako na girlfriend niya sa harap ng parents niya para bumalik na yung allowance niya.

Searching For My Future Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon