Chapter 35 - Sleeping Handsome

1.1K 13 4
                                        

 ******A/N: Ayan update ulit. Mag sawa kayo. HAHAHA! Sorry last chapter, nalungkot din ako as in pero this isn't the end okay? So yung mga readers ko na gusto si batman at Tiffy kalma lang. Anyway I dedicate this chappy to my reader na super betchikola si Vince. Nawa'y mapa ligaya kita dito sa chapter na 'to. Enjoy! ^_^ ***

Vince's POV

Tinignan ko ulit yung orasan ko. 6:45am pa lang pero andito na 'ko sa harap ng dorm niya.

I grabbed my cp at my pocket then dialed her number.

Tatlong ring lang at sinagot niya na 'to.

Shit. Himala. Dati ilang missed calls pa nagagawa 'ko bago siya sumagot. Siguro ngayon nasanay na siya na lagi ko siyang sinusundo tuwing umaga. One week na naming routine 'to eh.

"Hello Vince?Goodmorning!!" masigla niyang sinabi, marinig ko pa lang ang boses niya pakiramdam ko kumpleto na yung araw ko.

Tss. Korni amputek!

Simula ng makilala ko tong si Mira lagi na lang ako nagiging korni.

"Babe. I'm here"

"I know. Silip ka sa taas!" 

Tumingin naman ako sa taas , sa may bintana niya. Nakita ko siyang kumakaway.

I just smiled then waved back.

Since I met her bigla na lang akong nag bago. Lagi na lang akong napapangiti ng dahil sakanya.

Maisip ko pa lang siya napapangiti na 'ko.

"I'll come down. Antayin mo ko ah. Bye!" 

"Okay , bye."

Ilang segundo lang ay nasa baba na siya, at nag lalakad papunta sakin.

"Uhm may dumi ba 'ko sa muka?" 

Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sakanya. Amp!

Kailangan ko ng masanay sa kagandahan niya. Tss.

 "May muta pa ba 'ko?"

"Oo may muta ka pa babe" sabay pinunasan ko yung mata niya para kunyari may muta nga.

Bigla naman siyang namula sa ginawa ko. 

Yun pa lang ang ginagawa ko nag blu'blush na siya. Paano pa kaya kung halikan ko siya?

"Tara! Kumain na tayo" sabay nag lakad na siya paalis. Ganito na lang kami lagi pag kinikilig siya , aalis siya o kaya tatakpan yung muka niya para hindi ko mahalata at hindi ko siya asarin.

Sinundan ko siya habang nag lalakad.

"Ehem" sabi niya , mukang may inaantay na gawin 'ko. "Ehem ehem"

"What?

"Kailangan ko pa bang sabihin?" tanong niya na mukang naiirita.

"Ano ba yun?"

Hindi ko naman alam kung anong gusto niya? Tss. Hindi na lang sabihin eh.

"Wala!"

Mga babae nga naman oh. Ang tingin kase sa lalaki mind reader eh.

Hindi na lang sabihin kung anong gusto.

Binilisan niya yung pag lalakad, which is useless kase nasusundan ko parin siya kahit na nag lalakad lang ako.

Nakarating na kami sa Bunns & Patties pero hindi niya parin ako pinapansin.

Ano bang problema?

"Babe.."

Hindi niya parin ako pinapansin. -__-

Hinayaan ko na lang hanggang sa matapos kami kumain. Baka meron lang siya?

Searching For My Future Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon