~I'm sitting eyes wide open and got a one thing stuck on my mind.
Wondering if I dodge the bullet or just lost the love of my life~Melody's POV
"HEY! GIVE ME BACK MY MONEY!"
"WAAHH! PLEASE. WAG MO NA AKONG HABULIN." sigaw ko.
Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit na pagod na pagod na ako dahil hinahabol ako ng lalaking biktima ko. Habulin kasi akong babae eh. Ang ganda ko kaya! Haha.
"YOU UGLY FUCKING THIEF! HUMANDA KA TALAGA PAG NAABOTAN KITA!" Sigaw nito.
Dedma lang ang panakot niya sa akin dahil sisiguraduhin kong hindi niya ako maaabutan dahil hindi ako pwedeng makulong huhu.
Wag mo siyang pansinin Mel, tumakbo ka lang nang tumakbo hanggang sa makaabot ka sa safezone---
"GOT YAH!" WAAAHH!
Bigla niyang hinila ang dry kong buhok kaya napahinto ako bigla sa pagtakbo. Shocks! Ang sakit. Huhu! Ang pangit na nga ng buhok ko, may plano pa siyang kalbuhin ako.
Patay na! Nahuli niya ako. Siguradong sa presinto ang bagsak ko---No! Hindi pwede. Isip ng paraan Melody. Isiiiiipppp.... Aha!
"ANO BA? SINABI KO NA SAYO NA HINDI NA KITA MAHAL! DOON KANA SA BABAE MO GAGO KA! AKALA MO HINDI KO ALAM ANG NA MAY NANGYARI SA INYO NG BESTFRIEND KO? HUH?" Bulyaw ko sa kanya with matching tulo luha. Ang sakit kasi nang pagkahablot niya sa buhok kong nakapony-tail.
Nakita kong napakunot ang kilay niya at alam kong naguguluhan siya sa sinabi ko. Nabitawan niya ang pagkahawak niya sa buhok ko.
Syempre maguguluhan talaga siya kasi unang una, hindi kami magkakilala at nagdadrama ako sa harapan niya na lovers kami at niloko niya ako. Pangalawa, ninakawan ko siya tapos super emote ako ngayon.
Pero mukhang effective naman ang plano ko kasi nagsimula ng dumami ang mga tao sa paligid. Mga chismosa! Nagbubulongan pa ang mga ito at nandidiring tumingin sa lalaking kaharap ko.
Gwapo ka sana boy kaso sorry talaga, kailangan ko kasi talaga ng pera ngayon.
"Ano pinagsasasabi mo dyan? Baka gusto mong---" pinutol ko siya. Naku baka mabuking pa ako!
"TAPOS NGAYON SINISISI MO SA AKIN ANG KASALAN MO? WALANG HIYA KANG LALAKI KA! AT TALAGANG MAY MUKHA KA PANG IHAHARAP SA AKIN? SINAKTAN MO NA NGA AKO MENTALLY AT PHYSICALLY TAPOS---" naputol ang dapat kong sabihin may sumingit na lalaki.
"ANO? YANG LALAKING YAN SINAKTAN KA PISIKAL?"
Hindi ko kilala ang lalaking sumingit pero tumango lang ako at nagkunwareng humagolgol ng iyak.
Kinuha ng lalaking walang damit na sumingit sa usapan namin ang kahoy sa tabi niya. Ano ba yan! Lantad na lantad ang malaki niyang tiyan. Binigyan niya ng matalim na tingin ang lalaking biktima ko at nilapitan ito.
Nakita ko naman kung paano lumunok ng laway ang lalaking biktima ko at bahagya pa itong napaatras. Makikita mo din sa mga mata niya ang takot habang nakatingin sa lalaking walang damit na patuloy sa paglapit sa kanya habang may dalang kahoy.
"Alam mo bang hindi pwedeng pisikal na manakit ang mga lalaki sa mga babae?" Tama ka kuya. Tama! Pero kasi kuya wag munang ituloy ang plano mo please. Echeos ko lang naman to eh para makatakas ako sa kanya. Huhu! Wag mo siyang saktan dahil sayang ang gwapo niyang mukha.
"H-huh? H-hindi k-ko k-kayang m-manakit n-ng b-babae." nanginginig na sagot ni boy. Ang mga kamay niyang nakataas ng konti malapit sa bewang niya ay nanginginig.
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
JugendliteraturIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...