~I-I-I see how this is gon' go
Touch me and you'll never be alone
I-Island breeze and lights down low
No one has to know~MELODY
"AYOS ka lang ba Styx?" tanong ko sa kanya matapos bumitaw sa yakap.
"I'm fine." matabang sabi niya.
Pinigilan kong taasan siya ng kilay.
"Eh kung ganun, bakit mo pa ako pinapunta dito? Bakit ka pa naghintay sa pagdating ko?"
Natawa siya sa sinabi ko.
Oh diba? Ang galing ko. Napatawa ko ang isang problemadong Styx.
"Wala! Natalo kami sa laro kanina." bumalik sa pagiging malungkot ang boses niya. Napaiwas din siya ng tingin.
Bumuntong hininga ako.
Tsk! Yun lang pala ang problema niya. Akala ko kung ano.
"May next time pa naman Styx. Wag lang mawalan ng pag asa." pagcocomfort ko sa kanya.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Napabuga siya ng hangin.
"You don't get it Melody! I've been here for almost 4 years. 4 fucking years and I dont want to spend another year here. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng magkaroon ng sariling album. Gusto ko ng magka-concert. Gusto ko ng sumikat internationally... At gusto ko ng maging proud ang parents ko sa akin." humina ang boses niya sa huli niyang sinabi.
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong masabi. Napahiya ako.
Napakadali lang sabihin na galingan lang next time o ano para e-comfort ang isang tao pero mahirap itong tanggapin ng isang tao kung may malalim itong dahilan. At si Styx ay may malalim na dahilan para maging ganyan.
"I'm sorry. H-hindi ko alam..." mahinang sabi ko.
Muli siyang napabuntong hininga at mariing napapikit.
"It's okay. I understand. Sorry din dahil medyo lumakas ang boses ko."
Napakabait niya talaga. Kahit na ako ang totong may kasalanan, humingi din siya ng pasensya. Si Charles kaya? Bakit hindi man lang siya nahawaan ni Styx sa kabaitan? Bakit nga ba sila naging best friend eh magkaiba naman ang ugali nila? - Teka! Bakit ko ba sila kinukumpara? MAGKAIBANG MAGKAIBA SILA. At isa pa, bakit pumasok ang baby face devil na yun sa isip ko? Tss. Walang kwenta. Minsan talaga naiisip ko. Sino kaya ang nag iisip kay Charles? Eh wala naman siyang kwentang tao para isipin. Tss!
"Kung sakaling hindi ka mapili this year Styx, anong plano mo?"
"I'll leave this school. Actually, hindi ko lang plano yan. Plano naming lahat yan. Ayaw naming mabulok lang dito sa skwelahang ito. Kaya kung sakaling hindi kami ang mapili this year, aalis na kami dito at magkakanya kanyang buhay na." wika niya. "Ako, gusto ko talagang maging singer at sisiguraduhin kong magiging singer ako."
Shocks! Wala akong masabi.
Totoo? Aalis sila? At sabay sabay pa ha? Grabe. Barkada goals na ba this?
"So magkakanya kanya na kayo? Masisira na ang grupo niyo?"
"Magkakanya kanya kami pero hindi masisira ang grupo namin. It may sounds gay pero nangako kami sa isa't isa na kahit anong mangyare, walang magbabago." sabi niya at ngumiti. "Kahit naman ganun silang tao, mahal na mahal ko sila. Mas mahal ko pa nga sila sa pamilya ko eh. Lalong lalo na si Charles."
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...