~Every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine for you~MELODY
MUKHANG hindi parin nakakamove on si Styx. Hindi ko alam kung dahil nagulat siya na ako si Melody o dahil napapangitan siya sa akin.
"Ahmm..." Shocks! Wala akong masabi. Nac-conscious parin ako dahil sinusuri niya parin ako.
"Ahmm.. Styx? Alam kong masyadong nakakagulat pero ak---"
"You're beautiful."
Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ding uminit ang pisngi ko. Shocks! I'm blushing kaya agad kong iniwas ang mukha ko.
"S-Salamat." ang tanging nasabi ko lang.
"Anyway, let's start our date? Sorry if natulala ako, nagulat lang ako na ikaw pala si Melody. Kamusta kana pala? Magaling kana ba?" sabi nito.
"Magaling na ako. Salamat pala sa pinadala mong grocery. Nakakahiya naman sayo." wika ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Ha? Wala akong pinadalang grocery."
Noo ko naman ang kumunot this time. Eh kung hindi siya, sino? Hayst! Nakakastress isipin. E-set aside ko muna ang mga iniisip ko, kailangan kong magfocus sa date namin. Hehe!
Muli niya ako tinignan mula ulo hanggang paa at dahil hiyang hiya na ako, pinigilan ko na siya.
"Stop! Nac-conscious ako..." nahihiya kong sabi.
"Ah sorry. Wala kasi sa itsura mo ang magnakaw."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. SHOCKS! What if... What if maturn off siya sa akin? WAHHH.
"Hala, hindi ako magnanakaw. Promise!" malalim akong napabuntong hininga. "Okay, totoong ninakawan ko si Charles pero may rason ako kung bakit ko iyon ginawa. May sakit kasi ang kapatid ko noon at kinailangan siyang dalhin sa hospital at dahil wala kaming pambayad sa hospital, kaya ayun... nagnakaw ako at nagkataon pa na si Charles ang nabiktima ko."
Tumango siya. "Your reason is valid pero mali parin ang ginawa mo."
"Yeah I know. Pero wala na akong magagawa. Atsaka, kahit kailan hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dahil kung hindi ko iyon ginawa... siguro... siguro wala na ang kapatid ko." sabi ko at pinilit na ngumiti.
"Pero naging alalay ka ni Charles at dahil sa ginawa mo pwede kang makulong." saad nito.
"Alam ko. Pero may choice ba ako? Kung ikaw ang nasa position ko, may iba ka pa bang gagawin?"
Natahimik siya sa tanong ko. Syempre ang ibig sabihin nun ay ganun din ang gagawin niya.
"Close naman si Charles at ang kapatid mo ah? Bakit ka niya ginawang alalay? Hindi niya ba alam na si Jay ang rason kung bakit ka nagnakaw?" tanong nito.
"Oo. Magkaibigan daw sila -- Teka, paano mo nalaman yun?"
"Ako pa ba?" tinaasan niya ako ng kilay at nagsmirk. Kulang nalang magflip hair siya para mas astig tignan. Haha!
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Dla nastolatkówIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...