Track 40. Amenisia

4.6K 161 20
                                    

Finale is next!

*-*
~Sometimes I start to wonder was it just a lie?
If what we had was real, how could you be fine?
Cause I'm not fine at all~

MELODY

LUMIPAS ANG isang buwan at patuloy lang ang panliligaw sa akin ni Charles. walang araw na hindi niya pinapadama sa akin kung gaano siya kaseryoso. At habang patagal nang patagal, mas lalong lumalala ang nararamdaman ko sa kanya.

Sa paglipas ng panahon, isa lang ang nadiskubre ko: mahal ko na si Charles. Sino ba naman ang hindi mapapamahal kay Charles?

Si Charles yung tipong lalaking makulit pero hindi matigas ang ulo. Siya yung tipong handing mag-wacky mapatawa ka lang. Hindi siya face conscious na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Siya din yung lalaking pinakasweet na nakilala ko. Mahilig siya sa yakap na gustong gusto kong ginagawa niya sa akin. (A/N: habang dini-describe ko si Charles ditto, si Kim Taehyung aka V ang naaalala ko hahahayup!)

Gusto ko na siyang sagutin pero hindi ko alam kung paano. I mean, hindi pa kasi niya ako tinatanong. Teka, kailangan pa ba 'yun? Sorry ha, ngayon palang kasi ako nagkaroon ng manliligaw. Kaya hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

E kung bigyan ko kaya siya ng cake tapos may nakasulat na YES? Ay wag. Ang baduy at parang hindi bagay sa akin. Magmumukhang ako ang manliligaw sa aming dalawa.

E kung kantahan ko nalang kaya siya? Tsk! Wala naman akong maisip na song na babagay sa sitwasyon. May kanta bang sumasagot sa nililigawan?

Hayy, ang hirap. Ang hirap mag isip. Hihintayin ko nalang siyang tanungin ako saka ko ibibigay ang "oo" ko.

By the way it February and guess what? BIRTHDAY KO PO NGAYON!

Plano namin ni Mama na magresort kaso Friday the 13th ngayon. Kaya heto, nasa bahay lang kami.

Mayroon kaming konting salo salo. Naitabi daw kasi ni Mama ang perang binibigay ko sa kanya. Nireserve niya daw talaga ito para sa debut ko. Binigyan din ako ni Mama ng pera para ipanglibre sa mga kaibigan ko. Kaunti lang kase ang niluto niya, sapat lang para sa amin. At alam niyang kahit mang imbeta pa ako, walang dadalo dahil bawal lumabas ng bahay ngayon. Malas daw!

Kaya siguro hindi nakapunta si Charles dito ngayon bahay. Nakakalungkot isipin na hindi ko siya makakasama ngayong birthday ko pero wala akong magagawa.

Matapos naming kainin ang niluto ni Mama, walang kaming nagawa kundi tumulong sa mga hugasin at sa paglilinis ng bahay.

"De bale anak, next time papasyal tayo. Esi-celebrate natin ulit ang birthday mo." Sabi ni Mama.

"Kahit hindi na Ma. Nag enjoy naman ako ngayon. Ang sarap kaya ng niluto niyo." Nakangiting tugon ko.

"Asus nambola pa! Ah basta, muli nating esi-celebrate ang birthday mo." Magpupumilit niya.

"Ikaw ang bahala Ma. Basta okay lang sa akin kahit hindi na." sagot ko.

Nakaramdam ako ng antok kaya natulog ako. Pagkagising ko, hapon na at malapit nang mawala ang araw. Chineck ko ang phone ko pero wala akong natanggap na text mula kay Charles.

Rhythm Academy: School of Music (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon