MELODY
HALATANG nage-enjoy ang lahat. Halos lahat ay umiinom at nag iingay. Dagdagan pa ng nakakabinging music at ng blinking lights, nagmukhang bar ang likod ng bahay nila Charles. Halos lahat din ay naligo sa pool pero di nila ininda ang lamig. Patuloy parin ang kasiyahan.
Kanina ko pa siya napapansin na nakatingin sa akin habang may hawak na baso na may lamang alak. Alam kong gusto niyang lumapit at kausapin ako pero pinipigilan niya ang sarili dahil alam niyang hindi ko siya papansinin.
Magdusa siya! Hindi biro ang ginawa niya sa akin.
"HOy! Kanina pa namin napapansin si Charles." sabi ni Ezra. "Nag away ba kayo?"
Napatingin ako sa kanya at sa kapwa ko genesis. Dapat galit din ako sa kanya dahil inamin nilang sila ang nagplano nito pero mas galit ako kay Charles. May utak naman siya siguro diba? Pwede naman siyang tumanggi diba? Pero pinili niya paring sundin sila. Okay naman sa akin yung kidnapping. Ayaw ko lang nung pekeng gagahasain ako. Hindi man lang ba niya nakita na halos mamatay na ako sa takot? Hindi man lang ba niya nakita na nag iba ang paningin ko sa kanya nun? Hayop siya!
"Wala. May misunderstanding lang kami." Simpleng sagot ko at ininom ang alak na hawak ko.
Tumaas ang kilay nila.
"Dahil ba sa play namin?" tanong ni Hinder.
Pinili kong manahimik. Kahit magsinungaling ako alam kong hindi sila maniniwala.
Napailing si Hinder. "Ewan ko sa inyo! Kaya ayokong magka-lovelife eh."
Hindi ko sila pinansin at nanatiling tahimik. Buong gabi nakaupo lang ako at nagmamasid sa kanila. Kung hindi lang siguro ako bad mood ngayon, siguro may ngiti din sa labi ko.
Gaya ko, nakaupo lang din si Charles kasama ang mga breakers. Nakatingin lang ito sa akin. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya dahil ayokong magkatinginan kami. Tuwing napapadaan sa kanya ang paningin ko, nakikita kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Lumalim ang gabi at oras na ng uwian. Nauna na ding umuwi sina Mama at Jay. Halos lahat ay nakauwi na at kaunti nalang kaming natira. Nasa labas ako ngayon ng bahay ni Charles, nag aabang ng masasakyan pero naalala ko bigla na wala palang dumadaang pampasaherong sasakyan dito kaya inumpisahan ko ng maglakad palabas ng subdivision.
Hindi na ako nag abalang magpaalam pa kay Charles. We're not in good terms kaya bakit pa? May plano naman akong magpasalamat for throwing a party but not today. Saka na kapag handa na ako.
I keep my walk straight. Nahihilo ako dahil sa alak at inaantok na din pero nilalabanan ko ito. Kailangan kong makauwi sa amin. Shocks! This is my first time drinking alcoholic drinks and I will never drink again. Swear!
Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, biglang may kotseng huminto sa gilid ko. Di tulad kanina, hindi ako natakot dahil kilala ko ang kotseng ito. Kotse ito ni Charles.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Charles. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya ng diretso sa daan. Hindi ko din mabasa ang kanyang ekspresyon dahil walang may pinapakita ang mukha niya. Poker face.
"Sakay." Utos niya.
Hindi ko siya pinakinggan at nagsimula muling maglakad.
Nakakailang hakbang palang ako ng may biglang humagit ng braso ko.
"Melody, alam kong galit ka sa akin but you should have at least told me that you're going home! E kung na pano ka sa daan? Nangako ako kay Tita na ihahatid kita kaya sumakay kana sa kotse kung ayaw mong pwersahin pa kitang pasakayin." Napatitig ako sa kanya. Alam kong galit siya sa akin pero pinipigilan niya lang.
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...