enjoy reading. UNEDITED!
*-*
~He givin' me a good shit
That make me not quit
That good shit~
MELODY
It's been days since Charles starts courting me. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at talagang nagdrama pa ako sa harapan niya, pero wala ng bawian yun. Nasabi ko na at um-oo na siya.
Walang araw na hindi nagpapakita at nagpaparamdam sa akin si Charles. Kadalasan, tulog palang ako ay dumarating na siya sa bahay. Sinusundo niya kasi ako para sabay kaming pumasok. Minsan tuloy, mas inaagahan ko sa paggising kasi nakakahiya na. Nakakahiya ding paghintayin siya habang nag aayos pa ako papasok. Sinabi ko sa kanya na huwag agahan sa pagdating pero masyado siyang makulit. Mas gusto niya daw at okay lang daw sa kanyang maghintay.
Sus! If I know, si Jay talaga ang gusto niyang makita at makausap, hindi ako. Habang hinihintay niya kasi ako, inaaliw siya ni Jay. Minsan naiinis akong tumingin sa kanila. Siguro naiinis ako sa closeness nila. Hmmp!
By the way its Saturday. Walang pasok kaya gaya ng inaasahan ko, hindi ko nakita si Charles na nakaupo sa sofa pagkagising ko. Pero may nareceive naman akong message mula sa kanya. A greetings from him that makes my day so good. Habang binabasa ang simpleng "Good morning my Magna" niya, napapangiti ako na parang engot. A good start to start a new day.
Habang nasa kalagitnaan ng pagluluto ng ulam, bigla akong tinawag ni Mama.
"Anak! Ang manliligaw mo nandito na." sabi nito.
Bigla akong nataranta. Shocks! Si Charles nandito. at hindi pa ako nakakahilamos, toothbrush o kahit mumog man lang. Tapos nakapantulog pa ako at wala pa akong suot na bra. SHOCKSSS! Hindi ko naman kasi ini-expect na pupunta siya ngayon ditto.
Dali dali akong naghilamos at nagtoothbrush. Mabuti nalang at patapos na ako sa pagluluto.
Bago ako lumabas sa kusina, sinilip ko muna si Charles. Nasa sofa ito at wiling wili kay Jay. Nagtatawanan sila at ang pinag uusapan nila ay ang movie na Sausage Party daw ang title.
Hmmm... bakit kaya tawang tawa sila sa movie na yun? Hindi ko pa napapanood yun eh. Tsk!
Binura ko muna sa isipan iyon at tinawag si Charles.
"Hoy Charles!" napatingin siya sa gawi ko.
"Hi Magna." Nakangiting bati niya.
"Pwede bang tumalikod ka?" utos ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Basta! Sundin mo nalang ako." May diing sabi ko.
Umiling siya.
"Ayaw!" sabi niya. "Hindi ko susundin ang gusto mo kung hindi mo sasabihin sa akin ang rason."
I pressed my lips together to control my temper. Malalim din akong napabuntong hininga.
See? Kahit nanliligaw na siya sa akin, ang sungit padin niya. Siya lang yata ang manliligaw na sinusungitan ang niliigawan. Tss!
"Tumalikod ka na po kasi wala po akong suot na bra at ayokong pumunta sa kwarto habang nakaharap ka." Inis na sabi ko.
I saw him blushed bago agad na tumalikod. Aba dapat lang! Once is enough! Hindi na pwedeng maulit na makita niya akong walang suot na bra.
Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman ang dibdib ko. Kaya kapag wala akong suot na bra, halatang halata lalo na ang utong ko. Teka, bakit ko ba sinasabi to?
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...