A/N: bumalik muna tayo sa 90' songs (90's ba ang ocean deep? hehe lol).
~I'm so lonely, lonely, lonely (Ocean deep)
On my own in my room I'm so lonely (Ocean deep) I'm so lonely, I'm so lonely ... ~
MELODY
MATAPOS magpapicture ang tatlong babae sa akin kanina, dali dali akong umalis at lumabas sa school. Ayokong makaharap o maiwan kasama si Charles dahil sigurado patay ako sa kanya. Grabe ba naman ang pang iinis ko sa kanya kanina. Shocks!
Medyo nahirapan ako kanina palabas, may mga humarang kasi sa akin at gaya ng tatlong babae kanina, gusto din magpapicture. Gusto ko sanang sumangayon kaso shocks! Okay lang sana kung isa, dalawa pero ang dami. As in! Mabuti na nga lang may mga guards, kung wala baka hindi ako makalabas.
Feeling ko nga kanina isa akong sikat na Hollywood star. Hehe!
Syempre, dumiretso ako sa shop ni Pierce. Medyo napaaga pa nga ako kasi hindi pa nagbubukas ang shop. Teka, kailangan bang magbukas muna bago pumasok ang isang crew? Hehe. Tanga ko talaga. Ahh basta! Feel ko medyo napaaga ako kasi yung iba wala pa, pati si Pierce. Tatlo pa lang kami ang nandito.
"Hi! Bakit wala ka kahapon?" tanong ni Ela. Yung bukod sa akin, siya lang dito ang nagtatrabahong babae.
"Hello! Masama kasi pakiramdam ko eh. Bakit? Madami bang customers kahapon?"
"Hindi naman. Perfect timing ka nga eh. Kasi medyo unti lang. Pero marami padin." medyo natawa ako sa sinabi niya.
Actually, I like her - not romantically huh? Eww. I like her as a friend. Napakabubbly niya kasi at palangiti. Tapos ang sarap pa kausap, may sense hindi katulad ni Charles.
Haist! Ano ba Melody? Stop thinking nonsense!
Napatingin kami sa pinto nung bumukas ito. Si Pierce, dumating.
Napako ang tingin ko sa kanya at paramg naging slow motion ang lahat.
Dahil sa liwanag na mula sa labas, mukhang naging efffect ito ng grand entrance niya. Unti unti din ang paghakbang niya papunta sa akin at dahan dahan siyang napatingin sa direksyon ko at sumilay sa kanyang labi ang ngiti.Dugdug! Dugdug!
Yung heart ko, habang nakatingin sa kanya, pabilis ng pabilis ang tibok.
Shocks! Anong nangyayare sa akin? Ganito na ba kalakas ang epekto niya sa akin?
"HOY!"
Natauhan ako nung bigla akong hampasin ni Ela sa balikat.
"B-Bakit?" tanong ko at napahawak sa balikat ko.
"Halata ka masyado."
"Huh?"
"Halata ka masyadong may gusto ka kay Sir."
Nanlaki ang mata ko at patay malisyang sumagot.
"WALA AKONG GUSTO SA KANYA!" super defend ko.
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...