Track 42. Breathe

5.1K 166 6
                                    

~And I know it's never simple, never easy
Never a clean break, no one here to save me
You're the only think I know like the back of my hand~

MELODY

NAGING masaya ang relasyon namin ni Charles. Syempre, may tampuhan at konting di pagkakaunawaan pero nangingibabaw parin ang pagmamahalan namin ni Charles. Kung sweet siya nung nanliligaw siya sa akin, mas dumoble yata ngayoong kami na. At minsan natatakot na ako. Natatakot ako na baka sa oras na maghiwalay kami ni Charles, baka hindi ko kayanin.

Nasanay na akong palagi siyang nandyan. Nasanay na akong palaging may naggo-good morning at good night sa akin. Nasanay na akong may bigla yumayakap at isisiksik ang mukha niya sa leeg ko. Nasanay na akong nakikita ang masayahing mukha ni Charles. At kapag naghiwalay kami, hindi ko alam kung paano ko ulit sasanayin ang sarili ko nang wala siya.

I should not be thinking this but I cant help it. Minsan kapag sumasagi to sa isip ko, nalulungkot ako. Dahil ayoko. Ayokong mawala siya sa akin.

"Hey girl! Bakit nandito ka mag isa sa classroom?" natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Chaks.

"Huh? Bakit? Wala ba tayong pasok?" lutang kong sabi.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"My god Melody! March 1 ngayon!" sabi niya.

"Oh, eh ano ngayon?" halos lumuwa ang mata niya. Tila hindi makapaniwala sa akin.

"Hindi mo alam? Hindi ka informed girl?" di makapaniwalang tanong niya.

"Ano bang meron?" napakunot ang noo ko.

Bigla kaming napatingin sa pinto nang makita naming pumasok si Teffy. Hingal na hingal ito na tila galing sa matinding takbo.

Hinabol muna niya ang kanyang hining bago nagsalita. "NAGSISIMULA NA!"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Teka, ano bang meron?" naguguluhang tanong ko.

Tulad ni Chaks, halos lumuwa din ang mata ni Teffy sa tanong ko.

"Seryoso Melody? Hindi mo alam?"

"Hindi naman ako magtatanong kung alam ko." Sagot ko.

"Nagka-lovelife ka lang, wala ka nang pakialam?" muli niyang tanong.

Naningkit ang mata ko at tumaas ang kilay.

"Ano naman ang kinalaman ng lovelife ko dito?" tanong ko. Of course alam nila! Alam lahat ng taga-RASOM na mag-on kami ni Charles. Sobrang bilis kumalat ng balita.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat.

"Makinig kang mabuti Melody." Seryosong sabi niya. "Naalala mo ang sinabi kong at the end of the school year, malalaman natin kung sino ang may pinakamataas na points na na-gain?"

"Oo naman." Sagot ko. "Nangyayare lang yun every finals right?"

"Oo!"

"So bakit bakit mo sina... sinasabi..." unti unting nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang gusto niyang iparating.

"Oo Melody! Ngayon ang Finals. Ang Finals ay ngayon."

"WHAAAAT?"

"Oo! Kaya halika na't pumunta na tayo sa stadium. Nagsisimula na silang mangolekta ng mga cards." Sabi niya at hinila ako pero pinigilan ko siya.

"Teka, mauna na kayo!" sabi ko.

"Ano? Bakit naman namin gagawin yun?" tanong ni Chaks.

"Hahanapin ko pa ang card ko."

Rhythm Academy: School of Music (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon