Track 25. State of Grace

5.7K 240 33
                                    

BAWAL SPOILERSESSS!
*-*

~So you were never a saint
And I've loved in shades of wrong
We learn to live with the pain
Mosaic broken hearts
But this love is brave and wild~

MELODY

Malamig at malalim na ang gabe pero heto parin kami, magkayakap na tila ayaw bitawan ang isa't isa. Ramdam ko parin ang tibok ng puso niya na tila ayaw humupa. Hindi ko din nararamdaman ang lamig ng gabe dahil nakulong ako sa mga kamay niya.

Palihim akong napangiti. Hindi ko aakalain na ang taong kinaiinisan ko at kinaiinisan ako ang magdadalamhati kasama ko. Hindi ko inakala na ang taong walang ibang gawin kundi utusan ako ay siya ding tutulong sa akin. At lalong lalo na, hindi ko aakalain na ang taong ito ang magpapawi ng sakit na naramdaman ko.

"Charles?" tanong ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Hmm?"

"Para kanino tumitibok ang puso mo?" naramdaman kong parang natigilan siya sa sinabi ko. May mali ba akong nasabi?

Hinintay ko ang sagot niya ngunit wala akong natanggap. Bagkus, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko na hindi nga pala kami friends para magtanong ng mga personal na bagay.

"Nasaktan ka na ba Charles?" tanong ko ulit nung naramdaman kong wala siyang planong sagutin ang tanong ko.

"I'm a human Magna. Being hurt proves us that we are humans. Hindi man natin gusto ngunit masasaktan talaga tayo, sometimes by the people who surrounds us but most often, by ourselves."

"By ourselves?" naguguluhang tanong ko sa sinabi niya. I mean, paano tayo sasaktan ng sarili natin? Eh tayo nga mismo ayaw nating masaktan.

"Yes, by ourselves. Minsan kasi ayaw mo na pero mismong sarili mo ang nagpu-push sayo para gawin mo. Specifically, our heart. Minsan ayaw mo na sa isang tao dahil grabe kana nasaktan sa kanya pero wala tayong magagawa because we're being controlled by our hearts, and that makes us fools. At ang nakakatawa pa dun ay minsan, we're willing victims. Wala eh. Nagpapakatanga tayo---"

"Kasi doon tayo masaya." pagsisingit ko na naramdaman kong ikinatango niya.

Tama siya. Ilang ulit ko na sinabi sa aking sarili na ayoko na. Kailangan ko nang dumistansya kay Pierce pero wala eh. Tuwing nakikita ko siya nakakalimutan ko lahat ng sinabi ko. Kinakain ko lahat ng salitang binitawan ko.

"But don't be sad if you're hurt Magna. Isipin mo nalang na lahat tayo nasasaktan. We can't be happy without sadness. At hindi sa lahat ng oras ay palagi tayong masaya. Kailangan din nating masaktan para marealize nating nagkamali tayo at pwede pa natin itong itama kung hindi pa huli ang lahat." wika niya.

Lahat ng sinabi ni Charles ay tama. Para akong naheadshot sa mga sinabi niya. Hindi man lang ako naakailag.

"Kailan ka huling nasaktan Charles?" tanong ko ulit.

"I'm always hurt." naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa likod ng ulo ko at dahan dahang hinimas ito.

"Bakit?"

"Kasi ang babaeng gusto ko, may gustong iba. Ang babaeng gusto ko, umiiyak dahil sa ibang lalaki. Ang babaeng gusto ko ay napakamanhid. Hindi niya alam na gusto ko siya. Gusto ko ngang magalit sa kanya eh, dahil nandito naman ako, bakit siya pa? Bakit nagpapakatanga siya sa isang lalaki eh may lalaki namang palihim na nagugustuhan siya? Pero hindi ko magawa dahil maski ako, nagpapakatanga sa babaeng hindi ako gusto. Sa katunayan, nagagalit ako sa sarili ko. All this time, siya parin. Siya parin ang gusto ko. Para siyang isang sumpa na ayaw matanggal sa akin. Isang tattoo na nakaukit sa puso at isip ko na hindi mabura... na ayaw kong burahin." he paused for a bit. Bumuntong hininga. "At galit ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang aminin sa kanya na gusto ko siya. Hindi ko maipakita sa kanya ang nararamdaman ko."

Rhythm Academy: School of Music (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon