Track 38. Love Story

4.8K 239 34
                                    

~And I was crying on the stair case begging you, "Please don't go."~

MELODY

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon kakaiyak at kakaisip kung wala na ba talagang pag asang maging magkaibigan kami ulit ni Charles. Naisip ko din kung kaya ko ba siyang harapin kinabukasan at magpanggap sa harapan ng mga kasama namin na tila walang nangyare pero tingin ko, hindi ko kaya. Kaya hindi pa sumisikat ang araw, tulog pa ang lahat ay bumyahe ako pauwi sa amin. Good thing at may dala akong pera at alam ko ang daan pauwi. Nagbilin lang ako sa kanila ng mensahe upang hindi sila mag alala sa akin kakahanap. Nirason ko nalang na hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. At sa tingin ko natanggap nila ang mensahe ko dahil nagtext sila sa akin na pagaling daw ako.

Hindi ko man lang naenjoy ang victory party namin. Nasa bahay lang ako at nagmumuni muni kung masaya ba sila kahit wala ako. Haist! De bale, two days and one night lang naman yun, hindi naman talaga nakakapanghinayang diba?

Ugh! Kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko na mas masaya ako sa bahay ay hindi ko magawa. Nakakapanghinayang talaga. Pero kasi hindi ko kayang harapin si Charles kaya I chose to be at home while they are having fun, celebrating our success.

By the way, after we won the contest, maraming kompanya ang lumapit sa amin para e-endorse namin ang product nila. We want to accept their offers kasi malaki ang makukuha naming pera pero ayaw ng school. Isa sa school rules na hindi pwedeng mag endorse ng kahit na anong bagay unless, hindi kana student ng RASOM. Kaya wala kaming nagawa kundi humindi sa mga offers nila.

I spent my whole Christmas break at home. Unlike Ezra, I've heard they spent their Christmas in Japan. Nakakainggit pero kailangang tanggapin na hanggang bahay lang talaga kami.

Usually wala akong natatanggap na regalo pero nagulat nalang ako nang may naiwang regalo sa pintuan namin. Akala ko nahulog lang iyon ng ibang tao pero nakasulat ang pangalan ko dun kaya I guess it was for me. At nang buksan ko ito, it was a silver necklace na may pendant na microphone.

It made me smile. Ang ganda ng necklace. Gusto kong magpasalamat kaso kanino? E hindi ko nga kilala ang nagbigay nito. Iniwan lang ito sa labas ng pinto namin.

Basta one thing for sure, palagi ko itong sinusuot. Never ko itong kinuha sa leeg ko and I don't know why. Siguro dahil sa appreciation? I guess that's the best thing I could do. Alangan namang hindi ko suotin diba e bigay to sa akin. But that's not it, parang napakaespesyal ng kwentas na ito. Yun bang may awra itong dapat suotin mo palagi. Ewan! Nababaliw na yata ako.

Kasalukuyan akong naglalakad sa pathway papunta sa room namin. Yes, balik skwela na naman at alam kong hindi malabong mangyare na hindi magtagpo ang landas namin ni Charles.

Pagkarating ko sa classroom namin, kaunti palang ang tao kaya naisipan kong pumunta muna sa cafeteria since nagugutom ako.

Siguro ang pinakanamiss ko about sa school ay ang free food nila para sa mga elite, para sa amin. Mas nakakatipid at nakakaipon kasi ako.

Matapos kong kumuha ng pagkain, naghanap ako ng table at namataan ko sina Teffy at Troy na tumitili habang nag uusap.

"Hey guys." Bungad ko nang makalapit ako sa kanila. "Pwedeng makiupo?"

"Sure! Nagpaalam kapa, para ka namang others." Sagot ni Troy.

"I love your hair by the way." Sabi ko sa kanya bago ko inumpisahang kumakain.

I heard him giggled. "Thanks!" he replied

Maganda naman kasi ang buhok niya. Dyed brown ang color at bumagay pa sa kanya dahil nagpa-tan skin siya.

Rhythm Academy: School of Music (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon