why i finished this chptr first b4 the previous one? becuz this chapter is what ive been eager to write, and its now POSTED!
Enjoy. Unedited.
*-*
MELODY
MATAPOS naming magperform, nakakabinging hiyawan at sigawan ang bumalot sa buong stadium. I can see the amazement on their eyes at mukhang hangang hanga sila sa ginawa namin.
I can't help but to smile widely. Napakasarap sa feeling na kahit may gustong sumira sa performance niyo, nakapagperform parin kami ng maayos.
Napatingin ako sa aking kapwa Genesis at gaya ko, malapad silang nakangiti sa mga audience. Teary eyes na din sila at alam kong nararamdaman din nila ang nararamdaman ko.
Nagkatingin kami at mahinang natawa. We come close to each other and have a group hug.
"We did it guys." masayang sabi ni Harmony. Wala kaming naisagot kundi tango. We are filled with our emotions at mukhang tinakasan na kami ng boses namin sa saya.
Hindi pa nalalaman ang result pero parang kami ang nanalo sa kompetisyong ito - o sadyang OA lang talaga kami? Nahh. I dont think so. Ang sarap lang talaga sa feeling na we performed well despite of being sabotage.
Bumaba kami nang may ngiti sa labi. Hindi mapawi ang mga ngiti sa aming labi. Feeling ko kahit hindi na kami manalo sa kompetisyong ito, masaya parin kami. Dahil siguro ang talagang goal namin ay ang makapagperform ng maayos. Ang hindi mapahiya sa harapan nila.
"We need to celebrate!" masiglang batid ni Hinder. See? Magsi-celebrate na kami kahit hindi pa na-announce ang winner.
"Yeah!" sabay sabay naming sagot.
Masigla naming tinungo ang ang exit ngunit bago pa man kami tuluyang makalabas, sinalubong ako ni Teffy kasama si... si Pierce.
"Oh my god Melody!" sinunggaban niya ako ng yakap. "Ang galing mo grabe. Para kang isang superstar kanina sa stage."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Teffy dahil nakatuon ang atensyon ko kay Pierce.
Bakit siya nandito? Bakit magkasama sila ni Teffy? Nakita niya ba akong nagperform? Damn! I feel... I feel ashamed. Lahat ng sayang naramdaman ko kanina ay biglang nawala.
"Hi." he greeted and smiled. Nanatili akong nakatitig sa kanya at walang maski anong sinabing salita.
"Uh, anyways, I brought Pierce here. Gusto niya daw kasing makita ang performance ng former group niya. Though, pwede naman siyang pumunta dito anytime dahil kilala naman siya dito, sinamahan ko siya para hindi siya magmukhang kawawa sa isang tabi." bahagyang natawa si Teffy ngunit wala sa amin ni Pierce ang natawa. Pareho kaming taimtim na nakatitig sa isa't isa.
"Can we talk?" tanong niya.
"S-Sure." Finally, nahanap ko ang boses ko.
"Will you leave us for a bit Tey?" Tey? Wow. May endearment na siya kay Teffy. So nice.
Tumango si Teffy. "Yeah sure. You two need to talk."
Iniwan muna kami saglit ni Teffy. Nag aalangan naman ang kagrupo ko na iwan ako ngunit binigyan ko lang sila ng tango kaya wala silang ibang nagawa kundi ang iwan muna kami.
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...