~They're burning all the witches, even if you aren't one
They got their pitchforks and proof
Their receipts and reasons
They're burning all the witches, even if you aren't one
So light me up (light me up), light me up (light me up)
Light me up, go ahead and light me up (light me up)~MELODY
IT FEELS surreal. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasali na ako sa isang grupo na hinahangaan ng lahat, Genesis. Hindi ko akalain na magiging parte nila ako. Akala ko hanggang pangarap ko nalang yun. Shocks!
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa subdivision nila Charles dala ang costume na hiniram ko kay ate Ganda. Sa totoo lang, hindi pang-greek myth tong dala ko. Pero dahil no choice na ako dahil wala ng ibang costume, dinala ko nalang para sa kanya. Sigurado naman akong bagay na bagay to sa kanya. Siguradong sigurado ako. Hehe!
Mahaba haba ang nilakad ko bago ako nakarating sa bahay nila. Mabuti nalang at nakilala na ako ng kasambahay nila kaya pinapasok agad ako.
Pagkapasok ko sa bahay nila, bumungad sa akin si Charles na prenteng prenteng nakaupo sa sofa.
"Heto na po boss ang costume niyo." sabi ko sabay abot ng paper bag na dala ko kung saan nakalagay ang costume.
Taimtim niya muna akong tinignan bago inabot at binuksan.
"Ano to?" tanong niya agad nang makita ang costume. "I said greek myth hindi demon costume."
"Ah sorry. Wala na kasing avail eh kaya ayan nalang." sabi ko.
"You think I'll wear that shit?!" sabi niya sabay tapon sa akin pabalik ang costume.
Napakunot ang noo ko. Ano ba ang mali dito? May demonyo din naman sa mga greek myth ah? Tss.
"Kung ayaw mong suotin, edi wag. Hindi naman kita pipilitin eh." sabi ko. Magwo-walk out sana ako kasi may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Melody!"
Napalingon ako at nakita ko si Ezra. Pababa ng hagdan.
"Hi Ezra." bati ko.
"Hi newest member! What brought you here?"
Pinigilan ko ang aking sarili na wag ngumiti sa sinabi niya. Shocks! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.
"Wala naman. May inutos lang sa akin si Charles." sabi ko.
"Oh I see." saad niya.
"Ikaw? Bakiit ka nandito? I mean, bakit wala ka sa bahay niyo?" tanong ko pabalik.
"I slept here. Sina tito at tita kasi, sabi nila samahan ko ang nag iisa nilang anak na si Charles dahil may importante silang pupuntahan. Magkikita nalang daw kami sa party mamaya." wika niya. "Anyway, since you're here na, why don't we cook cassava? Para naman pansinin na ako ni Charles."
"Hindi pa kayo nagpapansinan?" gulat na tanong ko.
"Hindi niya pa ako pinapansin. Ang arte! Tss." sabi niya at nagrolled eyes. "Tara na nga!"
Hinila niya ako papunta sa kusina. Sinimulan namin ang paggawa ng cassava. Medyo natagalan bago kami natapos, medyo marami din kasi ang niluto namin eh. Kaya tanghali na nang matapos kami. Mabuti nalang kanina habang nagluluto kami, tinext ko si Pierce na hindi ako makakapasok. Syempre ang dinahilan ko naman ay masama ang pakiramdam ko. Nakakaguilty pero wala na akong ibang choice. Tss! Si Charles kasi eh. Mabuti nalang at mabait si Pierce. Um-oo agad. Nagbilin pa na uminom daw ako ng gamot at wag magpagod. Eiihh! Oh diba ang sweet niya? Hehe. Di tulad ni Charles. Tsk!
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
JugendliteraturIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...