Happy 14k reads mga bebe💕 maraming salamat. Yung first page nitong book malapit ng umabot sa 1k💓
-Bigla kong na-miss eh. Haha!
*-*
MELODY
KANINA pa kami nakaupo sa aming mga silya habang hinihintay si Maam Ashley. Excited ang lahat pagdating sa subject na ito. Sino naman ang hindi maeexcite diba? This subject helps us avoid what's bad in our voice and helps us maintain our voice and improve it. Kahit nga ang kaklase kong hindi magaling kumanta excited din.
Dumaan ang kalahating oras pero hindi parin dumarating si Maam. Medyo naiinip na ang mga kaklase ko at nagsisimula na din silang mag ingay. Kanina kasi napakatahimik nila. Inaabangan ang pagbukas ng pintuan at iluwa si Maam Ashley.
"Baka hindi siya makakaattend ngayon?" pag aagaw ng atensyon naming lahat ng magsalita ang isa kong kaklase.
"Wow! Nakakagulat ang prediction mo Jeremy ha! Hindi namin naisip yun." punong puno ng sarkasmong sagot ng isa ko pang kaklase, na si Dana, na nagpatawa sa aming lahat. Shocks! Napahiya si Jeremy pero hindi naman siya naapektohan nito. In fact, siya pa yung may malakas na tawa sa amin. Ganito kami sa room, lahat kami nagkakasundo. May konting asaran pero hindi umaabot sa puntong pinag awayan namin.
"Baka pwede na tayong umuwi? Last period naman na natin siya diba? At mukhang hindi na nga dadating si Maam. She's thirty minutes late." wika ng isa ko pang kaklase.
"Hindi pwede. She did not inform us that she can't attend today. So baka aattend siya ngayon... baka na-late lang." depensa ng katabi kong nerd, si Layla.
"Wow! Mas nakakagulat ang sagot ni Layla."
Muling nagtawanan kami. Nakita kong si Layla ay napairap lang. Syempre, what do we expect? Isang nerd si Layla kaya importante sa kanya ang mga lessons. Hindi pwedeng ma-miss. Baka nga gusto niya ng tumira sa school na 'to for more knowledge. Haha! Opps! Don't get me wrong ha? Im her friend kaya hindi ko siya sinisiraan. Katotohanan lahat ng sinasabi ko.
"Bahala kayo dyan! Basta ako, uuwi na ako dahil may date pa ako mamaya." sabi ng isa kong kaklase at tumayo. Dala ang bag niya at naglakad palabas. Sumunod na din sa kanya ang iba kong kaklase pero bago sila nakalabas, biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Maam Julie.
Ha? Bakit si Maam Julie ang pumasok? We're expecting Maam Ashley.
"Please take a sit." nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kanilang upuan habang nakakunot ang mga noo. "Sorry if I'm late. I know you're expecting your Maam Ashley right now but for now, let me do the discussion. She asked me to handle this clasa temporarily dahil sobrang busy niya. Palapit na kasi ng palapit ang pinakamalaking program na magaganap next week at marami pang dapat asikasuhin. As you know, Ashley is one of the teachers who handle the program. Kaya hindi siya muna makakapagreport sa inyo."
Tumango kaming lahat sa sinabi ni Maam Julie. Wala naman kaming choice kundi sumang ayon.
"Okay! Dahil thirty minutes nalang ang natitira sa atin ngayon, I'll make this quick. So you all listen carefully. I won't entertain any questions. At hindi ko na uulitin ang sasabihin ko."
Hindi tulad ni Ma'am Ashley, Ma'am Julie has intimidating aura. Nakakatakot pero wala ka namang dapat ikatakot sa kanya. Dahil hindi naman siya nang aano. Siguro dahil seryoso siya keysa kay Maam Ashley. At nakasout siya ng eyeglasses. Yung totoo Melody? Bakit nadamay ang eyeglasses niya? Hindi ko alam! Basta, mas lalo siyang naging mukhang terror sa eyeglasses niya.
BINABASA MO ANG
Rhythm Academy: School of Music (Book 1)
Teen FictionIsang paaralan na kung saan hindi grado ang basehan, kung may boses kang panlaban. Isang paaralan na nababalot ng musika. Isang paaralan na para sa mga katulad ko, katulad namin. I'm Charles V. Manos. NGSB at may respeto sa lahat ng babae... pwera n...